Sir, You're Hot. -10

39K 436 34
                                    

Tutal wala naman akong pasok bukas, naisipan kong magliwaliw muna sa isang kainan malapit sa school namin. Agustin's Diner ang pangalan ng kainan na iyon. Maganda ang ambiance sa loob. Parang mini bar at restaurant dahil may mini-stage siya sa harapan na may performers. Lalo pa ngayong Sabado, sigurado akong may kakanta ngayon. Sinama ko si Roxanne para hindi naman ako magmukhang malungkutin sa loob.

Simple lang ang order ko, Vegetable Salad at Iced Tea. Ayoko munang kumain ng kanin sa ngayon dahil parang sumisikip na ang pantalon ko. PInagmamasdan ko ang paligid. Halos bawat sulok ata, may mga magkaka-partner. Kung hindi naman partner, may mga groups na sabay-sabay kumain.

"Buti na lang sumama ka, Xanne."

"Anong drama 'yan, Bec?"

"Tignan mo paligid, punung-puno ng kabaduyan." Tinuro ko sa kanya lahat ng nakita kong couples na naghaharutan.

"Baka 'love' ang ibig mong sabihin at hindi kabaduyan?"

Tinawanan lang ako ni Roxanne. Nagkamali ata ako sa pagdala ng kasama ngayon eh. May nang-aasar tuloy sa akin. Anyway, ayoko munang ma-stress. Sarap na sarap pa kasi akong pakinggan 'yung jazz type of music na pinapatugtog sa loob ng Diner na ito. Nakakatanggal ng problema sa sobrang sarap pakinggan.

Napapapikit na ako habang nakikinig ako sa music at ngininguya ko ang pagkain ko nang bigla akong tapikin ni Roxanne sa magkabilang balikat. "Rebecca! Tignan mo kung sino 'yung papalapit sa atin!" sigaw niya sa akin. Muntik ko nang takpan ang bibig niya sa sobrang ingay niya.

Tumingin naman ako sa direksyong tinuro niya. Wala akong ibang nakita kundi si Stanley at si Jamie. Magkahawak sila ng kamay. Nakasandal si Jamie sa balikat niya habang papasok sila ng kainan.

Punung-puno ba ng energy ang tadhana at palagi niya na lang kaming pinagtatagpo ni Stanley. Bumilis ang tibok ng puso ko, hindi dahil sa mahal ko pa si Stanley, kundi dahil hindi ko pa alam ang sasabihin ko sa kanya.

"Hey!" bati ni Stanley sa amin ni Roxanne. Nakaangkla lang ang girlfriend niya sa kanya. Nakangiti pero hindi naman nagsasalita sa amin. Malamlam ang mata niyang nagmamasid sa amin.

"H-Hello." Ito lang ang tangi ko naisagot sa kanya.

"Nasaan nga pala 'yung kasama mo last time?" tanong ni Stanley sa akin. Napansin ko namang napakunot ang noo ni Roxanne. Siniko niya ako dahil mukhang wala siyang alam sa tinutukoy ni Stanley.

"N-Nasa CR lang siya!" Nauutal pa rin akong sumagot sa kanya. Oh no, Rebecca. Bakit ba kapag si Stanley ang kaharap mo, hindi ka makasagot? "Tatawagin ko lang siya. Excuse me, for a while."

Agad naman akong naglakad papaalis ng table namin. Pinadalhan ko kaaagad si Roxanne ng isang text message na kausapin muna sina Stanley dahil may aayusin lang akong gusot.

Kailangan kong mapapunta si Sir Railey ngayon dito.

Kinakabahan pa rin ako nang i-dial ko ang number ni Sir Railey sa cellphone ko. May number ako ni Sir Railey sa kadahilanang siya rin ang humingi ng number ko para raw mai-text niya ako sa tuwing may iuutos siya para sa Debate Team namin.

"The number you dial is either unattended or out of coverage area. Please try your call later."

Lumabas pa ako ng Agustin's Diner para makahanap ng magandang pwesto. Baka naman walang signal sa kinaruruonan ni Sir Railey kaya hindi niya masagot ang tawag ko. Okay, alam kong nalilito na ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. Basta ang alam ko, kailangan kong madala si Sir Railey para maipamukha kay Stanley na hindi ko na siya kailangan at naka-move on na ako sa kanya.

Sir, You're Hot. FINISHED.Where stories live. Discover now