Sir, You're Hot. -8

41.5K 458 24
                                    

"Hindi ka pa ba uuwi? Alas sinco na oh," tanong ni Roxanne sa akin. Nasa food court kami ng Megamall ngayon. Sinamahan ko siyang bumili ng materials na gagamitin niya para sa isang subject niya.

Nakapalumbaba pa rin ako dito. Nag-aasam akong makikita ko pa si Stanley. Hindi ko na rin siya matawagan. Hindi rin naman siya nagrereply sa mga text ko. Sobrang miss ko na siya. Sa katunayan, bukas na 'yung second monthsary namin kung hindi lang kami naghiwalay.

"Roxanne. Sandali pa. Baka kasi mapadaan si Stanley dito. Sa Mandaluyong rin naman siya nakatira. Malay natin, 'di ba?" sagot ko habang hinila ko ulit siya papaupo sa harapan ko.

"Rebecca. Isipin mo naman, dalawang malalaking paper bags ang dala ko ngayon para sa project namin. May dala rin akong ½ illustration board. Kaya kita sinama para mapagaan ang trabaho ko, hindi para maghintay ng ex mo dito," tinarayan ako ni Roxanne nang sabihin niya 'yun. Well, at least, napilit ko naman siyang umupo ulit.

"Xanne, kapag nagkaro'n ka na ng first love, maiintindihan mo rin ako," hinawakan ko pa ang mga kamay niya sa ibabaw ng mesa para lang ipakitang sincere ako sa sinasabi ko.

"Alam ko naman pinagdadaanan mo, Bec. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit hindi mo na lang siya kalimutan," nagkibit-balikat lang siyang sumagot sa akin.

"Eh kasi, alam kong mahal niya pa ako. Noong Thursday, sinundo niya ako sa school. I mean, nagkita kami sa istasyon ng tren. Kakausapin niya na nga ako eh," paliwanag ko.

"Oh, tapos? Anong sabi niya?" walang ganang sagot ni Roxanne.

"Wala eh. Malabo kasi dumating si Sir Railey at inakbayan pa ako. Halos ipagtabuyan niya na si Stanley sa harapan ko nu'ng gabing 'yon. Nakakainis nga eh!"

"What? Ginawa ni Sir Railey 'yon para sa'yo? Grabe. Pero, teka. Bakit niya naman gagawin 'yon sa'yo? At paanong—"

"Roxanne. Parang sumasakit ata 'yung t'yan ko. Uwi na lang pala tayo," umarte akong hinihimas 'yung t'yan ko sa sobrang sakit. Nagpanggap rin akong nahihirapan para maniwala siya agad. Ako na talaga ang reyna ng change-topic na subject.

Hindi ko na binuksan 'yung topic na 'yung dahil ayokong malaman niya 'yung ginagawang trip sa akin ni Sir Railey. Baka kasi mapunta pa kami sa pagkarating ko sa condo ni Sir Railey. Ayoko ring malaman ni Roxanne lahat kasi baka magalit lang siya sa akin.

Hinatid ko na si Roxanne sa may paradahan ng FX. Sinabihan ko na siyang mauna dahil may kailangan pa pala akong gawin sa loob ng mall. Pero deep inside, hihintayin ko si Stanley sa may World of Fun. Alam kong hobby niyang maglaro ng Arcade Games sa loob no'n.

Mabuti na lang at may iilang bench sa tapat ng World of Fun. Hindi ako mangangalay kakaantay sa kanya. Nararamdaman ko talagang nandito siya eh. Sabi ng puso ko.

Hindi nga ako nagkamali.

Nakita ko si Stanley. Matangkad nga pala ang boyfriend ko. Nakasuot siya ng t-shirt na stripes na black and white ang kulay. Color red naman ang pants na suot niya at itim na Vans. Suot niya pa pala 'yung regalo ko sa kanyang sapatos. Sabi ko na, may pag-asa pang magiging kami.

Nagte-text siya. Siguro ako 'yung ite-text niya. Kaya naman tinignan ko agad ang cellphone ko. Hinihintay ko na 'yung text niya. This is it.

Tinignan ko ulit siya. Sa posisyon niya ngayon, parang may hinahanap siya. Tingin siya ng tingin sa kanan, sa kaliwa, at sa kanan ulit. Hanggang sa hinawakan niya na 'yung cellphone niya na akmang may tatawagan.

Sir, You're Hot. FINISHED.Where stories live. Discover now