Sir, You're Hot. -13

36.9K 447 83
                                    

Isa. Dalawa. Tatlo.

Naglakad na ako papasok sa school. 15 minutes na kasi akong naghihintay sa may gate ng school para kay Roxanne. Magkikita kasi kami ngayon dahil magpapasama ako sa Grammarian para sa thesis ko. Eh, ang tagal niyang lumabas ng room nila kaya naman nagpasya na akong pumasok na sa loob.

Habang naglalakad, inilabas ko ang cellphone ko at tumawag sa kanya. Sana kasi makasalubong ko na lang siya. Nagmamadali na rin kasi ako dahil by appointment ang pakikipagkiat ko sa Grammarian.

Nakadalawang missed call lang ako dahil hindi niya naman sinasagot ang tawag. Damn. Kung kailan naman ako nagmamadali at tsaka nawawala 'yung mga kailangan kong tao. Nakakainis.

Umakyat ako sa third floor. Pero, napapansin kong lahat ng nasasalubong kong estudyante ay nakatingin sa akin. Tinitignan nila ako mula taas pababa. Halos saksakin na ata nila ako ng kutsilyo sa isip nila. But, I don't care. I don't live to impress people. I live for myself.

Nasa lobby na ako nang makita kong may nagkukumpulang mga estudyante. Nasa tapat sila ng Freedom Wall sa floor namin. Lumapit pa ako sa may lugar na iyon. Naaninag ko kasi si Roxanne. Mahaba ang buhok niya kaya madaling ma-identify kung siya 'yon. Sa ngayon, kailangan kong makasigurado.

"Roxanne! Kanina pa kita inaantay! Ano bang—"

Hindi ko na naituloy pa ang mga susunod kong sasabihin nang makita ko ang mga pictures na nakadikit sa freedom wall.

It's me and Sir Railey.

May isang malaking picture ang nakadikit doon. Picture namin ni Sir Railey kagabi.

Napahinto ako habang tinitignan ko ang mga larawan. Alam kong wala namang malisya ang pictures na iyon. Pero bakit iba ang ipinahihiwatig nito? Bakit may mga taong gumagawa ng hindi magandang bagay? Nanlalamig ako. Nanlalamig ang mga palad ko nang hawakan ito ni Roxanne.

"Bec... Bakit magkasama kayo ni Sir?"

"R-Roxanne... Maniwala ka, walang ibig sabihin ang mga 'yan," sagot ko sa kanya.

"Pero Bec. Iba kasi ang interpretasyon ng mga tao sa pictures mo kasama si Sir. Kasama si Stanley at ang anak ni Dean. Nakaka-disappoint," malungkot na sabi ni Roxanne sa akin.

Nababakas ko ang pagkadismaya sa mukha ni Roxanne. I know that she has this something for Sir Railey at ang hindi ko pagkukwento sa kanya ng munting pagkikita namin ni Sir Railey ay isang paglabag sa aming pagkakaibigan. Ayokong ikwento sa kanya dahil ayokong mag-isip siya ng masama.

Kaya lang, heto na. Iba na ang iniisip ni Roxanne—pati na rin ang mga estudyanteng nakapalibot sa Freedom Wall.

Isa-isang nagsialisan ang mga estudyante ng biglang dumating si Dr. Pantorillo. Mas kinabahan pa ako lalo dahil nakasimangot siyang lumapit sa akin. Marahil, nakita niya na ang pictures namin ni Sir Railey. Pero w ala namang ibang kahulugan 'yon.

Nagkataon lang talaga na sabay kaming sumakay sa tren.

"Rebecca. See me at my office."

Sumunod ako kay Dr. Pantorillo nang makalakad na siya papalayo. Kasunod niya si Ma'am Anna. Mabilis ang bawat heartbeat ko. Hindi ko naman 'to nararamdaman dito. Gusto ko na talagang magmura kaya lang mas gusto ko namang magbagosi.

Napalunok ako ng laway nang nasa tapat na ako ng pintuan ni Dean. Nang inihakbang ko ang aking paa papasok ng office, bumungad siya, at si Ma'am Anna. Hindi ko pa rin alam kung bakit kailangan pa nila akong kausapin ng ganito kaseryoso gayong nagkataon lang naman ang lahat.

Sir, You're Hot. FINISHED.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon