Sir, You're Hot. -5

48K 551 54
                                    

"Rebecca? May problema ka ba? Bakit nakasuot ka ng complete uniform?"

Tinawag ako ni Roxanne pagpasok ko pa lang ng classroom namin. Mag-iisang linggo na nang mag-break kami ni Stanley. Nabalitaan ko pang 'yung Jamie ay anak pala ng Dean namin. Mas lalong hindi na ako gumanti dahil ayokong magalit sa akin si Dean sa gagawin ko sa anak niya. Sinubukan ko pa palang puntahan si Stanley sa bar na pinapasukan niya, pero hindi na ako pinapapasok sa bar na iyon.

Kung pwede lang makipagtawaran ng damdamin, ginawa ko na.

"Hindi ako makapaniwalang dahil sa isang break-up mawawala ang mala-tigre kong kaibigang si Rebecca Marie Canlas."

"Roxanne. Oo, matapang talaga ko. Pero kapag si Stanley na ang usapan, hindi ko kayang maging malakas. Mahal ko siya eh. Hindi pa ba sapat 'yon?"

At hindi na sinagot ni Roxanne ang tanong ko. Nagkibit-balikat na lang siyang tumingin sa harapan. "Bes, maganda ka lang, pero ang hina mo eh. Halata namang niloloko ka lang ni Stanley tapos pinag-aaksayahan mo pa siya ng panahon?" Hindi na ako sumagot sa kanya. Ayoko ng maranig ang sasabihin pa nila.

Umupo ako sa tabi ni Roxanne sa bandang likuran. Wala ako sa proper seat pero wala akong pakialam. Gusto ko lang magkaroon ng katahimikan pansamantala. Ayokong ma-stress. Tinitignan ko lang sa cellphone ko ngayon lahat ng pictures namin ni Stanley.

"Good morning, Sir."

Hindi ko pinansin pati pagpasok ni Sir Railey sa classroom namin. Sinabihan lang ako ni Roxanne na itago ko raw 'yung cellphone ko dahil baka mahuli ako ni Sir Railey na nagte-text.

"Today, we're not going to have any lessons because magkakaroon ng meeting ang lahat ng teachers ng College of Education. I hope we're fine with this." Sinabi niya bang walang klase? Kung kailan naman ako nagsuot ng complete uniform at tsaka niya 'yun sasabihin? Unfair.

Napatingin pa rin ako kay Sir Railey dahil sa maganda niyang announcement. Inilagay ko ang cellphone ko sa bulsa ko dahil alam kong pauwi na ako dahil isa lang naman ang subject ko ngayon.

"Before I dismiss you, let me give you some final words," dugtong pa niya. Nakasuot siya ngayon ng isang plain black t-shirt. V-neck ang suot niya kaya mas nagmumukha siyang sexy. Teka. Ba't ko ba sinasabi 'to?

"Never fall for someone too hard. Leave something for yourself," at pagkasabi niya nito kinindatan niya ako at tumayo na ulit. "You're in complete uniform, Rebecca. May problema ka ba?"

Nagkunot lang ang noo ko sa sinabi niyang 'yon. Hindi na ako sumagot.

Palabas na sana siya ng classroom, pero isang grupo ng mga estudyante ang sumalubong sa kanya. Lahat sila may dalang cake, balloons, at isang banner na may nakasulat na 'Belated Happy 23rd Birthday Sir Rye!' Lahat sila nakasuot ng red t-shirt. Birthday na naman ba niya? Hindi ba binati na nila si Sir noong Friday?

Kinantahan nila si Sir Railey ng birthday song. Habang kinikilig ang lahat sa pagkanta kay Sir Railey, nakasimangot naman lahat ng lalaking classmate ko. Actually, they are really bored at lumabas sa kabilang pintuan ng classroom namin. Palibhasa dalawa ang pintuan ng classroom namin, kaya madaling makalabas. Hindi na siguro maaawat ang fans club niya sa college namin.

"Thank you so much, my dear students. Hindi naman ako mukhang 24 'di ba?" mabagal ang pagkakasabi niya nito sa mga estudyante sa harapan niya. Para bang nangungusapa ang mga mata niya sa kanila sa tuwing magsasalita siya. Halos lahat ng babae sa harapan niya, nagpipigil na ng kilig. "Salamat dito kahit last Saturday pa 'yung birthday ko," dugtong pa niya. Nayayabangan talaga ko sa kanya.

Sir, You're Hot. FINISHED.Where stories live. Discover now