Sir, You're Hot. -23

27.9K 259 36
                                    

Katatapos lang ng klase namin kay Ma'am Anna. Ang isa sa highlight ng linggong ito para sa akin ay naging mabait na siya sa akin. Dahil siguro ito sa nangyari sa kanila ni Sir Rain. Lalaki lang pala ang makakapag-pacify sa kanya.

Bukod sa pagiging mabait niya sa akin kanina, ibinalik niya rin pala ang thesis na kailangan kong i-edit ng kaunti na lang. Sinabi niya rin kanina na next week, Saturday, na ang defense ko. I have to provide five copies of my super edited thesis. Tatlo para sa panel, isa para sa akin, at isa para kay Ma'am Anna.

Hawak ko ngayon ang final draft ng thesis ko. Super proud dahil pagkatapos ng defense, graduation na lang ng kaunti. Hindi ko muna iniiisip 'yung leon na nanay ni Railey. Kailangan kong mag-focus sa mas kailangan ko sa mga oras na 'to.

Pumasok ako sa loob ng cafeteria para kumain. Totoo palang nakakagutom ang pag-iisip. Sa pagbabasa ko ng thesis ko kanina, ang daming brain cells ko ang napagod.

Inilagay ko sa loob ng Jansport kong bag ang thesis ko na nasa short brown envelope rin naman. Iniwan ko muna 'yung bag ko para makabili ako ng maayos sa canteen. Nasa malapit lang naman 'yung upuan at table na pupwestuhan ko kaya tiwala akong naroon pa rin 'yon.

Pumila naman ako. Kaya lang, napakadaming tao. Tumingin ako sa wrist watch ko at napansin kong alas-dose na pala. Ibig sabihin, lunch ng karamihan sa mga estudyante. Inabot ako ng limang minute bago makarating sa mismong bilihan ng pagkain.

Bitbit ang tray ko, naglalaway na ako sa in-order kong Pininyahang Manok at Iced Tea. May bottled water rin dahil promoter ako ng healthy living. Hinanap ko 'yung table na pinag-iwanan ko ng bag ko, kaya lang. May mali.

Hindi ko makita ang bag ko.

Iginala ko pa ang mga mata ko sa paghahanap sa kanila. Yumuko ako at tinignan ang ilalim ng lamesa, pero wala pa rin akong nakita. Samantala, sinilip ko rin ang ilalim ng mga lamesang kalapit ng pwesto ko, kaya lang, hindi ko pa rin nakita.

Napaupo ako sandali upang mag-isip. Nasa bulsa ko ang wallet at cellphone ko. At ang pinakaimportanteng bagay na nasa loob ng bag ko ay ang thesis ko.

Nawalan ako ng ganang kumain. Pinagtanong ko na lang sa mga katabi ko kung nakita nila ang bag ko, pero walang nagsalita. Lahat sila umiling kahit nasa malayo palang ako. Samantala, napansin kong, malapit nga pala sa bintana ang pwesto ko. Dali-dali akong lumabas ng cafeteria.

Tinignan ko pati ang basurahan sa labas ng cafeteria. Kaya lang, wala talaga. Okay lang mawala lahat ng laman n'on eh, 'wag lang 'yung thesis ko. Hindi ko kayang umulit ng isa pang taon.

Pinag-isipan ko kung hihingi ako ng tulong kay Sir Railey kaya pumunta ako ng faculty room. Kaya lang, mahigit sampung minuto na akong naghihintay roon ay wala pa rin akong makitang mukha ni Sir Railey.

"Hinahanap mo ba si Rayling?" tanong sa akin ni Sir Rain na papalabas na rin ng faculty room kasabay ni Ma'am Anna. "Magkausap pa sila ni Mom. You may talk to him, later."

Nagpasalamat na lang ako kay Sir Rain kahit pa medyo dismayado ako sa resulta ng paghihintay ko.

Inilabas ko na lang ang cellphone ko dahil umaasa akong may magte-text sa number kong nakakabit sa bag ko. Hindi nga ako nagkamali, may isang number nga ang nag-text sa akin.

I have your bag. Meet me at Room 615 NOW. Ito lang ang laman ng message na natanggap ko. Nawala ang kaba ko. Buti na lang may nag-text na nakahanap sa bag ko.

Nagmamadali akong umakyat ng sixth floor para puntahan 'yung nakakuha ng bag ko. Pumasok agad ako sa room na sinabi niya at napansin kong limang babaeng may pare-parehong ikli ng buhok ang sumalubong sa akin.

Sir, You're Hot. FINISHED.Where stories live. Discover now