Sir, You're Hot. -17

32.4K 313 56
                                    

Isang random na umaga, isang random shirt ang nabasa ko: "Describe your love life in three words."

Papunta nga pala ako ngayon sa isang restaurant na sinabi ni Railey. Nag-abang ako ng taxi sa labas ng apartment ko. Siyudad naman kasi ako nakatira kaya labas pasok lang ang taxi sa lugar namin.

Teka... Napaisip ako kung papaano ko ilalarawan ang love life ko. Pero may naisip na ko: "Medyo magulo." Kaya lang two words palang 'yon. Alam ko na. "Medyo magulo, promise."

Nang may humintong taxi sa harapan ko, sumakay na rin ako. Sinabi ko na rin sa driver kung saan ako pupunta. Buti na lang alam ng driver 'yung lugar kaya hindi na ako nahirapan kakapaliwanag sa kanya. Medyo magulo dahil kahit kalmado na si Dean sa amin (naniwala na kasi siyang may possibility na coincidence lang ang lahat), may guilt pa rin akong nararamdaman sa isang linggo naming pagde-date ni Sir Railey.

"Neng, ito na 'yung lugar," sabi ng driver sa akin. Nagbayad naman ako at bumaba pagkatapos.

Nakasuot lang ako ng isang simpleng black dress. How do I define simple ba? Simpleng dress na kulay itim na backless at may glitters na rin sa harapan. Nakasuot rin ako ng four inches na high heels. Nakalugay lang ang buhok ko, medyo basa pa kasi.

Nang makapasok ako ng loob ng restataurant, namangha ako. Iilan lang ang mga tao sa loob. Agad na bubungad sa'yo ang chandelier nilang pagkalaki-laki na nakalagay sa taas. Meron rin silang second floor na makikita mo rin pagpasok. Isang malapad na hagdanan ang dadaanan para makaakyat roon.

Nilapitan naman ako ng waiter. Mukhang alam na niya kung sino ang hinahanap ko. Nalaunok ako ng laway, hindi dahil takot ako, kundi dahil kinakabahan ako. Iba ang takot sa kaba. Basta, bahala na. Hindi ako makapag-isip ng tama. Kanina pa 'tong umaga.

"Hey, gorgeous," bati sa akin ni Railey. Railey lang ang tawag ko sa kanya sa labas ng school. Alam niyo naman kung bakit 'di ba?

Inalalayan ako ni Railey na umupo. Tsaka ko lang napansin na meron rin pala siyang kasama. Lalaking kahawig niya ang mata. Sa tantya ko, mas malaki ng kaunti ang katawan nito kay Railey ko. Nakasuot siya ng pulang longsleeve with matching bukas pa ang unang butones. Nakikita tuloy ang itaas na parte ng dibdib niya. Pero, ang perfect. Hindi mukhang bastos.

"Good evening, gorgeous," bati sa akin ng lalaki at sabay kinuha ang kamay ko at hinalikan.

"Kuya. Stop," awat naman ni Railey.

"Rayling, it's just my way of greeting your girlfriend," sagot nito. Rayling? Sinong Rayling?

Nang makaupo si Railey, nagsalita siya, "Rebecca, by the way, he's my brother. Older brother, Rainiell. Rain for short," may emphasis sa salitang 'older' ang pagkakasabi ni Railey. Halatang inaasar niya rin 'yung kuya niya. Cute.

"Nice meeting you, Rebecca," bati nito ulit sa akin. May ngiti sila ni Railey na halos magkapareho rin. Mas maputi ang kuya niya sa kanya, though maputi rin naman si Railey. Hindi kahabaan ang buhok nito, sapat lang talaga. "Sana 'wag kang magalit dahil sumama ako sa date niyo ha," dugtong nito.

Mukhang iritable at asar si Railey. Iba rin kasi ang dating ng Kuya niya. Halatang lahat ng gagawin nito, pang-asar sa kanya. Grabeng magkapatid ito.

"Ikaw pala ang babaeng dahilan kung bakit ako pinatawag ni Dr. Pantorillo. By the way, my name is Rain. Call me Kuya Rain, or whatever you like, 'wag lang love. Magagalit si Railey sige ka," na-dominate na nga pala ni Rain ang usapan.

"I'm only 26, pero hindi halata 'di ba? Currently taking up my master's degree. Teacher rin ako. Halata ba?"

"Hindi nga po eh," isang sentence lang ang nakuha kong sabihin.

"Okay, I see. Wait, bilang girlfriend ni Railey, alam mo na ba ang bawal na pagkain sa kanya?" tanong nito sa akin. Girlfriend?

"No," tipid na sagot ko.

"Bawal siya sa sea foods. Hindi 'yan kumakain ng carrots at potatoes. Hindi rin siya umiinom ng soft drinks, ayaw niya ng cake at—"

"Kuya, that's not your story to tell," putol ni Railey sa kanya.

"Oops. I'm sorry. I am just trying to be nice," sagot nito. "Anyway, Rebecca, if you have any questions regarding Rayling, feel free to ask me. My number is—"

"She does not need your number," putol ulit ni Railey sa kanya.

"Rayling. Relax. Nagiging friendly lang ako," paliwanag nito. Ganito ba sila mag-away? Ang cute.

Nang matapos kaming kumain, sabay-sabay na rin kaming lumabas ng establishment na iyon. Nasa likuran lang namin si Rain na para bang may inaantay na text sa cellphone niya. Sa totoo lang, mas tinitignan siya kesa kay Railey. Isang factor na rin siguro ang katangkaran niya.

"Railey, I'll stay in your place, okay?"

"Whatever you like, Kuya. 'Wag ka lang manggulo."

Tipid sila kung mag-usap. Pero bawat pag-uusap nila cute. Ano ba namang moment 'to. Lahat ng makita ko, cute. Ganito ba kapag in-love? Natututo na akong maka-appreciate ng mga bagay-bagay.

Kahit nasa unit na kami ni Railey, para pa rin silang batang nagtatalo. Buti na lang pumasok si Rain sa loob ng kwarto ni Railey kaya nagkaroon kami ng quality time ni Rayling, as per Rain na Rayling ang tawag sa kanya.

"Rayling pala ah," asar ko. Nakaupo kami sa couch niya.

"Rebecca. Stop." Halatang pikun na pikon na siya sa kuya niya. Okay fine, titigil na ako. "I guess na kaya lang naman nandito si Kuya dahil kay Anna."

"As in Ma'am Salazar?" tanong ko. Agad naman siyang tumango.

"He loves her very much. He loves her to the point na ako na ang umiwas sa kanilang dalawa."

"You mean... Anna had a crush on you. Rain has a crush to Anna. And—"

"Yeah, yeah. Sort of that kind of affair. Pero, nagpaubaya na ako kay Kuya."

Napa-ahh na lang ako sa sagot niya. Pinaliwanag niya rin kasi sa akin kung ano rin 'yung two years na sinabi niya kay Anna noon. 'Yun pala, 'yun ang dalawang taon na hinintay siya ni Railey kung ano ang decision niya. Nagkaroon kasi ng pilian. Eh wala palang nangyaring pilian. Hindi na nagpumilit pa si Railey at hinayaan na lang ang si Anna sa Kuya niya. He'd given up after that two years.

Napasandal ako sa balikat niya. Ang dami na naming napag-usapan simula pa kanina. Hinaplos niya lang naman ang buhok ko at hinalikan ang noo ko.

"Oops. Am I disturbing you?" bungad ni Rain nang makalabas ito ng pinto ng kwarto ni Railey.

Agad naman siyang binato ng unan ni Railey. How cute! Nakakatuwa talaga silang tignan. Wala kasi akong kapatid kaya naman hindi ko alam ang pakiramdam nang may isang kuya o ate na nakakalaro o nakakaaway. Anyway, hindi ako pumunta rito para malungkot.

"I won't disturb you anymore, Railey. Just bring Anna back to me."

Pag-ibig na siguro ang pinaka-komplikadong bagay sa mundo. Damn.

Sir, You're Hot. FINISHED.Where stories live. Discover now