Sir, You're Hot. -19

30.1K 272 33
                                    

Inaraw-araw ko na ang pagpunta sa library. Inuna ko kasi ang landi ng mga nakaraang araw kaya naman nahihirapan ako sa pag-unawa ng thesis ko. Thursday ngayon. Hindi ako pumasok dahil nasa bahay palang ako, nagpadala na ng group message ang mga classmates ko na wala raw klase kay Sir Railey. Bakit bigla na naman siyang nawawala?

Kinagabihan, pumunta ako sa unit niya sa Makati. Alam ko namang bukas na ipapasa 'yung thesis ko kay Ma'am Annasungit (okay, may code name ako sa kanya), pero kailangan kong unahin ang mga bagay na mag-aalis ng kaba ko para bukas. Harot.

Pinindot ko ang door bell. Walang sumagot. Pinindot ko ulit at nagbukas na ang pintuan para sa mahal na reyna. Masyado ko sigurong ini-enjoy ang 'feelings' na ito. Kung ano man 'to, sana hindi matulad ng ginawa sa akin ni Stanley. Balita ko kasi boto si Dean sa kanya. Pero hindi na ako nagseselos.

"I miss you," bati ko nang makita ko si Railey ang nagbukas ng pinto. Niyakap ko siya agad.

"I miss you too," and without any words, hinila niya ako papasok sa condo niya.

He kissed me as if there's no tomorrow. Habang tumatagal, mas bumibilis ang puso ko sa ginagawa niya sa akin. Nang maisara niya ang pinto, isinandal niya ako sa couch. Hindi ko alam kung saan ko kukuhanin ang hininga ko dahil halos hindi na niya maalis ang labi niya sa labi ko.

Everything was blurred. Napapikit na lang ako sa ginawa niya sa akin. Nararamdaman ko na buong pagmamahal niyang hinahaplos ang likuran ko. Hindi ako bumitaw sa kanya. Ganoon rin naman siya sa akin. Mas inilalapit niya pa ang sarili niya habang tumatagal.

"Oops. I think I must be disturbing something."

Napahinto kami at sabay na tumingin sa kuya niya. Damn Rain. He's freakin' disturbance. Sa lahat ng istorbo, siya ang master mind. Nakakainis. Iniayos ko ang damit ko at ang nagulo kong buhok. Umupo ako ng maayos habang si Railey naman ay tumayo papalapit sa kuya niya.

"Kuya, napipikon na ako sa pang-aasar mo."

"Cool. Cool, Rayling. I know how to handle this. Wala akong nakita, okay?" at itinaas niya pa ang dalawa niyang kamay na akala mo ay na-hold up. Nakangiti pa rin siya at patuloy na nang-aasar. "Gusto ko lang naman tanungin si Rebecca kung papaano manligaw."

"I've texted Anna. I gave her your number. That's enough," pabalang na sagot nito. Umupo siya ulit sa tabi ko at inakbayan ako.

"She texted me. Kaya lang, parang holdaper naman ako kung papaano niya ako murahin. I just texted her I love you at minura niya lang ako," nagpapanggap siyang nalulungkot habang sinasabi ito. Nakaupo naman siya sa may carpet habang nagpapaliwanag sa amin.

"She keeps on saying that she loves Railey. Other than that, wala na siyang ibang sinabi. Sakit nga. Mas gwapo naman ako sa kapatid ko, pero bakit gano'n."

"Inconsistent ka kasi. Kung sa States palang ay niligawan mo na siya, eh 'di sana hindi ka nagpapakahirap ngayon." Ito naman ang pambara ko sa kanya.

"Yeah, right. I've done enough for you two. Maybe, it's the time for your Rainiell Medrana's Way of Courting." Ito naman ang dugtong ni Railey.

Nang sigurado na kaming dalawa na tulog na ang kuya niya, kinausap ko nang masinsinan si Railey. "Bakit hindi ka pumasok, dalawang meetings ka ng wala ah. Anong problema?"

"Wala naman. I just needed time and space. Naguguluhan lang ako, slight," paliwanag niya. Nakasandal siya sa couch habang ako naman ang naupo sa upuan. Saan naman siya naguguluhan? Sa amin? Kay Anna? Kay Rain?

"Ako, hangga't alam kong nasa tabi kita, hindi ako maguguluhan," pakunswelo ko sa kanya. Tinapik ko pa ang tuhod niya at humiga sa may lap niya habang hinihintay ang susunod na sasabihin niya.

"I always wanted to have a happy-ever-after kind of love story. Childish, right? But no matter how much I longed and looked for it, I always ended up with nothing," hinawakan niya ang kamay ko.

"Fairy tales are not true. Be more practical and realistic. We cannot always have what we always wanted; but we can get what we always needed. I'm here. I am not your nothing."

"Would you mine if I ask something about you? About your parents, your life, your ambitions? I haven't heard any of them. All I know is you are an Education student."

Pinaupo niya ako sa tabi niya. Muli, sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya. Inakbayan niya naman ako. Ang init ng katawan niya kaya mas lalo ko pang isiniksik ang sarili ko sa kanya.

"Wala akong kapatid. I live on my own rules. My mom, she just sends me money every week. She's in Singapore. My Dad left us. Ever since. This could be the reason why I keep on longing for a boyfriend that would make me feel safe. Kaya lang, sa siyam na naging boyfriend ko, walang nagtagal."

"How about your relatives? Where are they?" hinaplos niya ang buhok ko pagkasabi nito.

"Wala rin. Lahat sila nasa ibang bansa. Siguro isang Tita ko lang ang nakatira sa Pinas."

Buong gabi kaming nagkwentuhan. Naglabasan kami ng pangarap, ambisyon, at lahat na ng pwede naming pag-usapan. Ang sarap pala sa pakiramdam magkaroon ng isang seryosong usapan sa taong mahalaga sa'yo. It always makes me feel secure.

Sa unit ako ni Railey nakatulog. Nanghiram ako ng damit sa kanya. May underwear siya na pambabae. I don't know kung bakit pero marami lang siyang stocks n'on. Weird. Nagbihis ako. Kumain kami ng sabay. Pinatikim niya sa akin ang pinakamasarap na fried egg na natikman ko. Sinangag ang luto sa kanin kaya naman sobrang busog talaga ako.

"We'll go to school together," sabi niya habang tinatali niya ang tie niya. Kinilig ako sa totoo lang. Parang mag-asawa na kami sa ginagawa namin simula pa kagabi. Nakakakilig lang isipin. Sana hindi mawala 'yung "let's-enjoy-this-feelings" moment namin together.

Sumakay na kami sa sasakyan niya. Mabilis naman kaming nakarating at lahat ng 'yon ay dahil sa creative skills niya sa pagdiskubre ng shortcuts.

Naghiwalay na rin kami agad pagtapak pa lang sa parking lot. Iba kasi ang klase niya, sa isa pang building ng university, sabi niya.

Nasa tapat pa lang ako ng room pero nararamdaman ko na agad ang isang hindi napakagandang presensya ni Ma'am Anna. She's wearing glasses today while reading my classmate's thesis. Pumasok ako while murmuring "Good morning." Hindi niya rin naman ako papansin kaya dumiretso na lang ako.

"Where's your work, Rebecca?" Nakataas ang kaliwang kilay niya habang kausap ako. Idagdag pa ang katotohanang nakasalamin siya kaya mas lalo akong natakot.

"Ma'am, here," and gave her my work. Buti na lang naihabol ko pa ang pagpapa-print nito.

Habang nagbabasa siya ng thesis ko, biglang may kumatok sa pintuan.

"Hi Ma'am. Would you mine if I enter the classroom?"

Si Railey. Si Sir Railey. Kasasabi niya lang kanina na aalis na siya para magklase. Pero bakit dumiretso siya dito? Bakit hindi ko alam? Parte pa rin ba 'to ng deal ni Rain?

Tumayo agad si Ma'am upang yakapin si Sir Railey sa harapan namin. Take note, sa harapan mismo namin. Three seconds lang 'yon pero that three seconds means so much for me. Gusto kong hilahin ang buhok ni Anna at itinrintas as buntot ng kabayo. Nakakainis.

May iniabot namang paper bag si Sir Railey sa kanya. Halatang masaya si Ma'am Annaharot dahil sa napakalapad na ngiti sa kanyang nakakainis na mukha. Umalis rin agad si Sir, pero hindi naalis ang inis ko sa kanilang dalawa. Nakakapangselos ang ginawa ni Ma'am Annaharot sa kanya. Nasaan na ngayon ang sinasabi ni Sir Railey na "let's-just-enjoy-this-feeling" sa akin.

Sir, You're Hot. FINISHED.Where stories live. Discover now