Sir, You're Hot. -20

29.9K 257 20
                                    

Lumipas ang Saturday pero lahat ng text ni Railey, hindi ko pinapansin. Hindi ko rin sinasagot ang tawag niya. Hindi naman ako pumupunta na ng school para mag-practice ng Debate Team dahil ayokong makita si Ma'am Anna at ayoko ring makita ako ni Railey. Bahala siya. Yakap moments pala ha. Dami niyang alam.

Buong araw lang akong nasa loob ng bahay. Hindi pa ako nag-aalmusal. Alas-dose na rin ng tanghali pero hindi pa rin ako kumakain ng tanghalian. Nakahilata pa rin ako sa kama at nawawalan ng ganang tumayo. Hindi ako makahanap ng rason para kumilos. Bad trip.

Heto ang mahirap sa pag-ibig, kailangan, may masaktan. Damn. Do I even call this love?

Ang hirap kasi niyang basahin. Noong isang araw, sweet siya. Kahapon, halatang naglalandi siya. Eh ngayon kaya? Anong mood swings pa ba ang kailangan niyang ipakita?

Heto na. May naririnig na akong katok sa aking pinto. Uso ang door bell pero may pagka-arogante ata ang bisita ko.

"Rebecca. Talk to me," baritono ang boses nito. Kahit takpan ko pa ng unan ang buong mukha at tenga ko, naririnig ko pa rin ang boses niya.

Wala akong ibang nagawa kundi tumayo at pagbuksan siya ng pinto. Bigat na bigat ang katawan kong nang buksan ko ang pintuan para sa kanya. Anong mood swing ba ang handa niyang ipakita ngayon?

"Talk to me. You're not answering my call since last night. What's wrong?" sunud-sunod na sabi nito habang papasok sa loob ng bahay ko. Hindi ko siya pinapasok, sobrang pagkukusa lang ang ginawa niya.

"Ikaw pa ang may ganang magalit, Sir," may diin sa pagbigkas ko ng Sir. "Ikaw na sa harap-harapan kong nang-akit kay Ma'am Anna? Ikaw na sa harap-harapan kong nagbigay ng something kay Ma'am Anna? Sige nga. Ngayon ka magalit!" sigaw ko sa kanya.

"I don't know you are even there. And if you're there, I don't mean to seduce her. Ikaw lang ang nagsasabing inaakit ko siya. Remember, I am doing a favor for Rain. It's nothing, Bec. Please believe me."

Hindi ako umimik agad. Dahil may natitira akong paggalang, pinaupo ko muna si Railey sa may sala. Huminga muna ako ng malalim dahil masyado akong tensed. Simula pa kahapon nang makita ko sila ni Ma'am Anna. Nakakawalang gana kasi. Imagine, sa harap ko niya ginawa 'yon. Damn life.

"H'wag mo muna kong kausapin. May tumatawag sa phone ko," at kinuha ko naman ang phone ko na nakapatong sa lamesa sa harapan namin. Tumatawag naman ang kasama ko sa Debate Team.

"Hello, friend. Pasensya na kung hindi ako nakakapunta ng meeting. Medyo masama kasi ang pakiramdam ko nitong araw," baling ko sa kausap ko sa cellphone. Samantalang nasa tabi ko pa rin si Railey. Nakaupo siya. Nakatingin lang sa akin na tipong naghihintay. "Friend, sa Monday, attend ko—" pero bago pa ako makapagsalita, bigla akong inakbayan ni Railey.

"We need to talk," kinagat niya ang tenga ko pagkasabi nito. "End that call," dugtong niya.

Kinilabutan ako. Aksidente kong naibaba ang tawag. Naputol na rin ang sinasabi ng kausap ko. "Railey, stop."

"Listen. That act? That's nothing. In fact, the paper bag which I gave to Anna was from Rain. I don't mean to hurt your feelings by doing that. Please believe me. Simula pa noong una, hindi na ako nagsinungaling sa'yo. I swear."

Mas lalo akong kinilabutan nang lumuhod siya sa harapan ko. Parte ba 'to ng mood swings niya? Kasi kung oo, baka masaktan na naman ako kinabukasan.

"Stop it. May kasalanan rin ako. Siguro, masyado akong nagiging selosa. At isa pa, wala akong dapat ipagselos, 'di ba?"

May parte ng mukha niya ang makapagsasabing nalungkot siya—ang kanyang mga mata. Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ito. "I hate it sa tuwiing iniisip mo 'yan."

Sir, You're Hot. FINISHED.Where stories live. Discover now