CHAPTER LXXXI. |FRIENDLY DATE|

61.7K 752 86
                                    

CHAPTER LXXX

“Hey. Buti nakarating kayo” Salubong ni Troy kina Vince na magkakasabay dumating sa bulwagan na yun.

“Syempre Pare. Nakasuporta kami sayo” Tatawa-tawang sagot dito ni Vince.

“Congrats Pare” Von sabay tapik sa balikat nito.

Mga naka-tuxedo ang mga ito at mga napakapormal. Buhat nang pumasok sila sa bulwagan na iyun ay hindi na nawala ang tingin ng mga kababaihan sa mga ito.

“Ehem!” Sabay-sabay namang napalingon ang lima.

“Shaleen?!” Sabay-sabay na banggit nang apat maliban kay Troy na mukhang inaasahan na ang pagpunta ng dalaga.

Magkaka-ayos na naman ang mga ito na parang walang nangyaring insidente nung nakaraan. Hinayaan na lang ng mga ito na lumipas ang mga nangyari.

Natatawa si Shaleen na lumapit sa mga ito.

Napakaganda nito sa ayos nito at sa suot na kulay maroon na gown. “I’m invited so I come” Nakangiti nitong sabi.

Nawala na naman ang gulat sa mga mukha ng apat at mga nagsipagngiti na sa dalaga.

Nagpalitan ng makahulugang tingin ang apat dahilan para matawa si Troy. Lumapit ito kay Shaleen “Salamat sa pagpunta” Sabay ngiti nito. 

Ginantihan naman ito ng ngiti ni Shaleen “Of course. Congrats in advance in the success of your new branch” sabi nito. Nang mapansin naman nito na pinapanuod sila ng apat na may mga pilyong ngiti sa labi ay agad siyang nagsalita “Well we just formally knew each other when my Dad become one of his investors and he often come to our house to settle some things ----“

Hindi na nito naituloy ang sinasabi ng biglang magtawanan ang apat.

“Shaleen, we don’t need explanation. Don’t worry” Xien.

“N-No, You Guys seems to misunderstand something” paliwanang pa ulit ni Shaleen.

Nagtawanan na naman ang mga ito at pati si Troy ay natawa na din.

“Oh Come on. We get it.” Yvo sabay kindat nito dito.

Medyo nagaalinlangan pa din namang napatango na lang si Shaleen.

“Anong meron dito?” Napalingon naman si Troy sa pinanggalingan ng boses.

Nakita naman niya si Maxine na abot langit ang ngiti. Napakaganda din nito sa ayos nito at kasuotan.

“Maria!” sabay beso ditto. “You made it”

Tiningnan naman siya ni Maxine na di matanggal ang ngiti sa labi. “Troy!  Ang laki na talaga ng inasenso mo. Congrats ahh” sabay beso pa ulit nito dito.

Troy chuckle “Thank you”

“Ehem” Vince na nakalapit na sa dalawa.“Hey Maxine. Long time no see” sabi nito.

“Vince!” Maxine. sabay yakap nito ditto. “Yep. Long time no see”

Nginitian naman ni Maxine ang iba pa.

“Hey Shaleen, Your also here!” Maxine. Natutuwa nitong sabi. Bumalik na ulit ang closeness ng dalawa.

“Yes, well Troy invited me” agad na sagot ni Shaleen.

“Of course you should be here!” Maxine. Natatawa nitong sabi at bumeso kay Shaleen.

“Is Lixien with you?” Tanong dito ni Von.

SHE'S MINE.ONLY MINE [PUBLISHED Under Life Is Beautiful (LIB)]Where stories live. Discover now