CHAPTER XXI. |RECONCILE|

84.7K 1K 78
                                    

CHAPTER XXI

 

VINCE POV

“Mga pare tingnan nyo ‘to. Tek nakakapag-init” si Yvo habang nagba-browse ng mga picture ng mga seksing babae sa net. Lapitan naman kami at tumunganga dun sa mga litrato.

“Wala bang video niyan” Von.

Nandito lang kame sa hideout namin. Tek naman kasi si Clyde manununtok na nga lang… sa mukha pa. Ito pa naman ang pundasyon namin sa chicks.

Hindi namin kasama si Clyde dito.. bigla na lang nawala nung uwian.

Kung tatanungin nyo ako kung ano meron sa amin ni Maxine. Sabihin na nating were M.U. Kahit hindi naman nya kasi sabihin, alam ko na may iba. Gusto ko sya… gusto ko yung pagiging amazona nya. Haha. M.U lang kami ibig sabihin Magulong Unawaan. Haha.

Habang busy kami sa paglalaway sa mga picture ng babae sa net ganito kami pag nagagasgasan ang mga mukha, tiis lang muna sa picture o video man. Haha. May naririnig kaming yabag ng tao, malas lang ng taong yun at naligaw sya dito. Alam namin hindi si Clyde yun dahil hindi dun dumadaan si Clyde sa ibang entrance sya.

Nagsitahimik kami at inantay na pumasok kung sino man yun. Nakaabang na kami at handa nang makipagbasag-ulo.

Nang…. What the F. Anong ginagawa ng taong ‘to dito!

“TROY?!”” hindi kami makapaniwala na nandito sya. Ang gago.

“Just I thought you’re all here” Siya

“Tangina. Naliligaw ka ata.” Yvo

Simula nang tumiwalag si Troy sa grupong ‘to na sya din ang bumuo, nawalan na kami ng pakialam sa isa't-isa.

Ngumisi pa ang loko “I miss this place!” tapos tumingin sya samin “Hindi nyo ba ako namiss. Di ba iniimbita ko kayo ngayon, meron lang akong gustong klaruhin, andito ako para sunduin kayo” Sabay ngisi pa uli nito.

Bigla na lang sya sinugod ni Von. At binigyan ng isang suntok sa mukha.

Silang dalawa ni Von ang parating magkasangga nung kabilang pa si Troy sa grupo.

“Para matauhan ka. GAGO!” Von.

Tumayo naman si Troy sa pagkakasalampak sa sahig at hinawakan ang sugat sa mukha “Tss. I badly needed that punch. Salamat Pare.”

Akmang susugod uli si Von kay Troy pero pinigilan namin sya.

“Anong bang ipinunta mo dito?” ako. Sa mariing tono. Ang lakas talaga ng loob ng lokong ‘to para bumalik dito. Pasalamat sya wala dito si Clyde kundi baka hindi na sya makalabas ng buhay.

Bumuntong hininga muna sya bago nagsalita “Kaya ako nagpunta dito… Tulad nga ng sinabi ko may kailangan lang akong klaruhin… gusto kong…. Humingi na tawad.” Isa-isa niya kaming tiningnan, ang seryoso ng mukha niya.

“Alam kong ang wirdong pakinggan pero sa tingin ko kailangan kong gawin ito .Dapat matagal ko nang ginawa ito naduwag lang ako, naduwag ako sa loob ng dalawang taon. Hindi ko parin kasi matanggap na ako ang puno’t dulo ng lahat.” He smirk “Hindi nyo man matanggap ang paghingi ko ng tawad atleast nasabi ko. Tumiwalag ako sa grupo hindi dahil gusto ko kayong iwanan sa ere kundi gusto kong hanapin ang sarili ko” Biglang nagbago ang ekspresyon nito, lumungkot bigla ang mukha nito.

“Eh tnga ka pala. Eh di sana hindi mo na lang binuo ang gang” Von.

“At ang lakas din ng apog mo na sisihin kami nung may mangyari kay Clyde” Yvo.

SHE'S MINE.ONLY MINE [PUBLISHED Under Life Is Beautiful (LIB)]Where stories live. Discover now