CHAPTER XVII. |SINABI PA|

92.1K 1.1K 99
                                    

CHAPTER XVII

 

LIXIEN POV

Hindi ako gaanung nakatulog dahil sa nangyari kagabi. At hindi din ako pinatulog ng pangungulit ni Max. Kung kami na daw? Kelan pa? Bagay daw kami? Kesyo ang sweet daw ni Clyde. Ays!

Sumasakit lalo ang ulo ko. Ang daming nangyari kagabi... si Clyde ba talaga ang nakasama ko? Bakit bigla na lang ganun ang ikinilos nya. Pakiramdam ko lutang ako ngayon. Hindi kasi ako nakatulog  talaga ng maayos. Hindi ko alam kung pano ang ikikilos ko pag nagkita ulit kami. AWKWARD.

"Oh Hija.. ‘eto na ang gatas. Mukhang ang aga mo ata nagising ngayon eh Sabado" Si yaya pinagtimpla ako ng Gatas.

"Salamat po, Hndi po kasi ako gaanong nakatulog. Si Max po?"

"Kanina pang lumabas... magjogging ata"

"Ho? si Max?" Nakakapagtataka. hindi naman nagjojogging si Max. As in never. Ayaw nun ng napapawisan sya tuwing umaga.

"Ahm... may kasama po ba sya?"

"Meron hija... ay pagkakagwapong bata" sabay palakpak pa ni yaya na parang tuwang tuwa. Siguro si Vince ang kasama ni Max.

Hays. Parang hindi lang sila magkasama kagabi ah.

Pumunta ako sa sala at nanuod Tv, my favorite hobby pag weekend pangpawala na din ng isipin. Maya-maya naman ay nakita ko na si Max sa may pinto.

 "BUDDZZZZ...  gising ka na pala" Tiningnan ko si Max na kakapasok palang ng bahay na SOBRANG lapad ng ngiti... mukha pa din syang fresh kahit kagagaling lang sa pagpapawis.

"Anong pumasok sa kokote mo Max at nagjogging ka ha’"  

Nginitian naman nya ko ng nakakaloko "Eh ikaw naman Budz. Anong meron sa inyo ni Clyde?" 

Napasimangot naman ako. "Wag mo nga ibaling ang usapan sakin”

"Hmp. Niyaya kasi ko ni Vince, so pumayag na ko" 

"Ano na bang meron sa inyo ni Vince?"

"Were friends? Pa lang?" Max, with her sweetest smile.

Nalungkot ako sa naging sagot ni Max. "Pano naman si Kuya" hindi ko alam na nasabi ko na pala yun.

"Bat na naman ba sya nasali dito! I don't want to talk about it!"

"Max, di ba bestfriend mo ko?"

 "Tsk. Syempre naman"

"Kung ganun sabihin mo sakin kung ano ba talaga ang nararamdaman mo, Max"

"Aish. Budz naman" Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan nito “Hindi ko siya maintindihan at wala na akong balak pa siyang intindihin. And that’s it. Final!” 

Lumapit ako sa kanya at hold her two hands and look her in the eye. "Kahit ako Max hindi ko alam kung ano ba talaga ang dahilan ni Kuya sa pag-alis nya pero…” Nginitian ko ito “Naniniwala parin ako na magkakaayos kayo”

May namuo namang luha sa mga mata nito "Hindi ko alam. Hindi ko alam Budz. Ayys! Ano ba yan kay aga-aga ang bigat na ng pinag-uusapan natin" sabay pahid ng luha nito at tawa.

"Hmp. ikaw kasi pinaglilihiman mo ang bestfriend mo. Nakakatampo ka" sabay nguso ko dito.

"Hindi pa lang kasi ako ready mag-open sayo Budz" tuloy parin ang pahid ni Max sa luha niya.

SHE'S MINE.ONLY MINE [PUBLISHED Under Life Is Beautiful (LIB)]Where stories live. Discover now