CHAPTER VIII. |TROY MEETS BUDZ & MAX|

110K 1.2K 17
                                    

 

CHAPTER VIII

LIXIEN POV

“HINDI KO TALAGA SYA MAINTINDIHAN BUDZ!!! NAKAKAINIS NA SYA! I HATE HIM!” Paulit-ulit na yang sinasabi ni Max simula ng makabalik kami dito sa bahay. Para na syang sirang plaka.

“Max try mo kayang magkwento para maintindihan ko”   

“Basta I hate him. Bahala sya sa buhay nya!”   Kanina ko pa sya pinipilit na magkwento pero ayaw nya talaga. Change topic na nga lang.

“Hindi mo man lang ba ako tatanungin kung kamusta ako nung nawala kayong DALAWA NI KUYA?”

“ay! Oo nga pala Budz! How are you?”   Lumapit sya sakin at tiningnan siguro kung may galos ako or something. “Pero mukha ka namang ok eh…” 

I pinched her “Alam mo ba muntik na kong ma-rape huh! Ayyss… tapos kung sinu-sino pang mga walang modong mga tao ang nakilala ko… Ayyyyysss”  

“SORRY Budz… yung kasing kuya mo .. nakakainis. Pero hindi ka nman siguro nabastos di ba.. yung bang sinasabi mong walang modo ay yung kausap mo kanina?”  tanong nito.  

Muntik na akong mabastos ‘no buti na lang maliksi ako at OO sya yung walang modong lalaki na nakakabwisit na akala mo kung sinong gwapo na sobrang yabang na ---------

“Hep-hep-hep! Ok.ok. I get it pero aminin mo papable no. Ops, wag nang ideny kakasabi mo lang kanina. hihi”  Max. nakangiti pa nitong sabi.

 “Duh! Para sabihin ko sayo siya din yung walang modong lalaki sa Park” Walang gana kong sabi.

“Talaga?! So ang gwapo niya pala talaga!” Napapalakpak pa ito.

Napabuntong-hininga na lang ako “Whatever! Oo nga pala Max nakita mo din ba dun sa Bar si Nerd guy? Yung sa canteen?”

Napakunot naman ang nuo ni Max sa sinabi ko. “Ano naman gagawin ng kagaya niyang Nerd sa ganung klase ng lugar. Hay naku Budz. Napagkamalan mo lang siya”

“Hindi Max, siya talaga yun” Pangungumbinsi ko ditto.

“Ok. Ok. Siya let’s sleep na. Walang magandang nangyari ngayong gabing ‘to kaya itulog na lang natin. Gudnyt Budz” nakipagbeso sya sakin then she headed to her room.

I don’t know why Max is still mad at Kuya pagkatapos kong magpaiwan dun sa loob wala nman din palang kahihinatnan. Kahit kelan talaga ang slow ni kuya, napakatorpe pagdating kay Max… pag-ibig nga naman. Haha.

Tapos nakita ko pa dun sa Bar si Nerd guy… nacucurios talaga ako sa kanya. Tapos yun nga nakilala ko pa yung si walang modo nga… hays, ang sarap itulog na lang lahat ng to. Gudnyt.

“LIXIEN CHUA GUMISING KA NA KUNG AYAW MONG MALATE! MONDAY NA MONDAY” AHH! Nakakainis nman oh.. di pa ko nakakaget-over sa weekend pasukan na kaagad. Ano ba nman.

Bumangon na ako at naligo, nagbihis at nag-ayos at bumaba ng hagdan para magbreakfast.

“Budz. Ang tagal mo naman. Malapit na tayong malate oh. Tapos na ko kumain”

Kumuha na lang ako ng tinapay sa table “Tss. Tara na”

 “Breakfast mo?” Tanong ni Max sabay tingin sa lamesa.

SHE'S MINE.ONLY MINE [PUBLISHED Under Life Is Beautiful (LIB)]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum