CHAPTER XIV. |ESCAPE|

93.3K 1K 22
                                    

CHAPTER XIV

 

LIXIEN POV

Kinabukasan, magkakasama na kami nina Troy at Max pumunta sa room namin. Ang ingay at mukhang sa room namin nanggagaling yun.

Pagkabukas na pagkabukas ko ng room. Ito agad ang bumungad samin: Si Yvo na nakikipagmake-out sa fangirl nya in PUBLIC. Si Vince na naninigarilyo kasama ang iba kong guy classmate. Ang baho tuloy ng room, amoy yosi. Si Von at Xien na nakikipagsugal sa iba ko pang guy classmate… nakabilog pa sila.

At napako ang tingin ko sa isang sulok.

Yung Clyde…

Binubugbog nya yung si Bryan isa sa mga kaklase ko... habang nakapalibot sa kanila yung iba kong kaklase at nagkakanstawan.

May mantsa na ng dugo ang uniform ni Bryan at hindi parin sya tinitigilan ni Clyde. Na stock ako sa nakikita ko, nakaramdam ako ng takot halos kilabutan ako sa napapanuod ko. Hindi ako makapaniwala na kaya pala talagang gawin ni Clyde ang ganung bagay, nakakatakot sya.

TROY POV

Shit! Sabi ko na nga ba. Ine-expect ko na rin na ganito ang madadatnan ko pagpasok namin dito. Mukha namang natigilan sa pagpasok sina Lixien at Maria sa kanila ding nadatnan.

Kita ko naman ang paglapit ni Vince sa kinarooonan namin “H-hey… You’re the girl at the club. Do you still remember me?”  Kinakausap nya si Maria. Napansin naman ito ni Maria at dito na natuon ang atensyon. 

Mukhang interesado si Vince kay Maria pero ang ipinagtataka ko ang ikinilos ni Maria. Para kasing nakikipagflirt siya kay Vince. Ang alam ko sila nung Kuya ni Labs. Tss. Ang gulo.

Saka ko naman napansin na napatigil pala sa ginagawa nyang pagbugbog si Clyde. Naka-arko parin ang kamao nito dun kay Bryan at nakahanda para manuntok pero tumigil ito ng mukhang mapansin kami nito.

 Si Lixien naman mula simula ng pagpasok nya hindi na naalis ang tingin nito sa nangyayari. I can see in her eyes the fear, it is all written in her face.

Napatigil si Clyde sa ginagawa at tumayo. Kanina pa namang itinigil nina Xien, Von at Yvo ang kanilang mga ginagawa. Mga loko ginawang headquartes nila ang room.

Iniwan ni Clyde ang kanyang binubugbug at naglakad papunta sa direksyon namin. Madadaanan nya kami dahil mukhang palabas sya ng room. Nagdire-diretso naman ito palabas. Something’s wrong… why would Clyde stop hitting Bryan all of a sudden… that’s not him… hindi sya tumitigil hanggang hindi nya nababasag ng tuluyan ang mukha ng kaaway.

VON POV

Kawawa naman itong binugbug ni Clyde. Tatanga-tanga ba naman, hindi tumitingin sa nilalakaran, nadumihan nya tuloy yung damit ni Clyde. Ayaw pa naman nun na nadudumihan sya at kahit damit nya. He was soooo naive. Takot syang madumihan. Haha.

Maipagpatuloy na nga lang ang pagsusugal. Ang saya nito. Haha. Tiba-tiba kami ni Xien sa mga gunggung na ‘to. Hindi nila alam na dinadaya na namin sila. Wahahhahaha.

LIXIEN POV

Nagkaklase na kami ng 2nd subject namin. Si Troy umalis na pumunta na sa next class nya. Yung kaklase kong nabugbug dinala na namin sa clinic buti hindi na nya kailangang dalhin sa hospital, kawawa naman. Nasabi na sakin ni Von kung bakit inaway ni Clyde si Bryan and what a lame reason.

SHE'S MINE.ONLY MINE [PUBLISHED Under Life Is Beautiful (LIB)]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora