CHAPTER XXXVII. |MEETING HIS PARENTS|

86.6K 902 24
                                    

 CHAPTER XXXVII

LIXIEN POV

Dahil sa malapit ng magbakasyon pwede na kaming hindi na pumasok araw-araw. Yey! It’s summer.  Pupunta nga pala akong park ngayon, mamamasyal lang kami ni Yam.

Nakapag-sorry na sya dun sa girl, pahirapan pa nga eh. Hays, pero hindi parin nya sinasabi sakin yung tungkul dun sa Dad nya.

Nagsuot lang ako ng white shirt and maong. Tapos dollshoes. Sa park lang naman kasi punta ko.

“Yaya, Max aalis na ako…” 3pm na din kasi. Tinext ko na si Yam at sinabi na papunta na ako.

“Sige.. Budz… Wag ka pagabi” Ang weird ni Max buong maghapon. Wala naman syang sakit eh.

“Sige Hijah mag-iingat ka” Yaya.

Sumakay na ako ng jeep. Medyo  malayo ang park dito sa bahay eh. Ayaw ko magpasundo kay Clyde. Haha. Naalala ko tuloy si Clyde nung sumakay sa jeep. Haha. Kung  hindi lang ako nainis sa kanya nung time na yun siguro humagalpak na ako ng tawa. Haha.

Mabilis naman akong  nakarating dito sa park. Nasan na kaya yun. Naupo muna ako sa isang bench. Pansin ko naman yung mga  tao na may pinagkukumpulan. Mukhang may photoshoot? Hala! Baka may artista dun. At dahil curious ako lumapit ako.

Mukha namang hindi mga artista ang nagpo-photoshoot eh siguro mga model. Ang gaganda kasi ng katawan. Pose dito, pose doon. Nakakainggit. Isa kasi sa mga pangarap ko ang maging isang super model. Pero mukhang malabo. Hays.

Naglakad na ako palayo. Nasaan kaya si Yam. Ano ba yan. Ako pa talaga ang nag-aantay sa kanya. Tsk. Habang naglalakad-lakad ako  bigla na lang may humalik sa pisngi ko. Shet. Madami nga pa lang manyak dito lalo na at pagabi na. Hahampasin ko na sana kung sino man yung manyak na yun ng nahawakan nya kaagad ang kamay ko. “That’s my Girl!”

“Yam!” binawi ko na yung kamay kong hawak nya. “Aish. Akala ko kung sino”

Ngumisi naman sya at inakbayan ako. Tapos napatingin ako dun sa batang katabi niya. “Who is she?”

Nagkibit lang ng balikat si Clyde. “Eh bat kasama mo sya?” tanong ko.

“Hindi ko yan kasama, Sinundan lang niya ko. Psh” Clyde.

Ang gulong kausap ni Clyde lumapit na lang ako dun sa bata, mukha syang 4 yrs old. “Where’s your Mom, Baby?”

Nagkibit naman ito ng balikat at ngumiti.  Hala! Ang cute nya. Kaya naman kinarga ko na sya.

“Ibaba mo na nga yan!” Clyde. Mukha na naman syang naiinis.

“Huh? Eh mukhang nawawala itong bata. Dito muna  tayo Im sure hinahanap na ito ng magulang niya” Naupo na ako sa bench. Sumunod naman sakin si Clyde.

“Aish. Dun mo nga paupuin yang batang yan sa kabilang side” reklamo ni Clyde. Tapos saka naman sya sumiksik sa side ko.

“Bat ba ang sungit mo Yam” Hindi naman sya sumagot.

Si baby girl naman nilalaro-laro lang yung buhok ko. Asan na kaya ang magulang nitong bata. Yung mga nakakakita siguro samin ngayon aakalain kami ang magulang nitong bata. Ang bata ko pa para magka-anak.

“Hoy” tawag ko kay Clyde. Tumingin naman  sya sakin with his poker face.

“Alam mo ba, dito kita unang nakita” Napapangiti talaga ako pag iniisip ko yung pangyayaring yun. “Nagpa-iyak ka pa nga ng bata. Haha. Tapos natatakot pa akong lumapit sayo nung time na yun buti na lang umalis ka na nung napagdisesyunan ko nang lumapit. haha” Sinamaan naman nya ako ng tingin.

SHE'S MINE.ONLY MINE [PUBLISHED Under Life Is Beautiful (LIB)]Where stories live. Discover now