CHAPTER XXIII. |SKIRT|

90.3K 1K 81
                                    

CHAPTER XXIII

CLYDE POV

AMPUTEK naman oh. Nakakabagot na dito sa kwarto. Dalawang araw na din palang hindi ako pumapasok eh sa tinatamad ako. Psh.

Nakakamis din pala yung whitelady na yun. Psh. Tapos kagabi kung makayakap nman kay Troy. Inam!

Tek na Troy yun hindi ako nilubayan kagabi tapos kung anu-ano pang pinagsasabi. Ang bakla talaga ng lokong yun. May paghingi pa ng sorry. Psh. Tapos kung anu-ano pang walang kwenta ang pinagsasabi. Tungkul dun sa whitelady na yun. Eh ano namang paki ko. Tsk. Ang dami pang drama, eh ano naman kung aalis sya. Eh di umalis sya. Nangyakap pa. 

Makapunta na ngang skul. 

Pagkapark ko nang motor ko sa parking. Nakakapanibago dahil ang tahimik walang estudyanteng nagkalat. Habang naglalakad ako papunta sa building mukhang walang tao sa skul na to. PUTEK. Wala atang pasok, hindi man lang ako sinabihan ng mga gagu.

Pero parang may ingay… sa canteen. Kaya naman pumasok ako.

What the… fuck. Punong-puno ang canteen. Its sucks.

Napansin siguro ako ng mga estudyante kaya biglang tumahimik. Tapos biglang nagtilian, yung mga babae. Nung nagtayuan sila dun ko napansin yung mga suot nila . Para akong nasa Bar. Mukha silang mga Pr*stit*te. Their skirt was TOO revealing. Is that their uniform?! What the hell. Mukha atang napansin nila na napapatingin ako sa mga suot nila and each of them make way to flirt. Nakakabanas!

Lumabas na ako ng Canteen baka makabasag lang ako ng mga mukha. What’s happening in this school? Mukhang ang dami kong namiss.

Malapit na ako sa building at sakto Professor ata tong makakasalubong ko nakasalamin eh. Sinalubong ko sya at kusa naman syang napahinto “What the hell happened here?” I asked.

 “S-S-Sir. I-I-It’s b-because…”

After she said it. “FUCK!”

LIXIEN POV

Hindi ako magkaintindihan dito sa upo ko. Kasi naman po hindi ko alam kung pano tatakluban yung legs ko. Kasi sobra talagang ikli. Pero yung iba kong kaklaseng babae keri lang, kahit kita na! Kahit nga si Max eh keri lang din. Bat ba ako lang yung namomroblema.

Habang yung mga Gangpae sa likod ko sayang-saya. Si Vince nga eh kulang na lang mahawakan na niya yung legs ni Max. Ang perv.

Yung mga kaklase kong babae ngayon pa lang mga nagsisidatingan kung kelan malapit na ang lunch  pero yung mga lalaki ang aaga nila. Excitedmuch? 

Hindi na nga pala pumapasok si Bettina. Sabi ng mga kaibigan nya dun na daw sya mag-aaral sa ibang bansa. Pero somehow naaawa ako sa kanya kaya siguro sya lumipat ng skul dahil sa sobrang pagkapahiya nung araw na yun.

Nagulat kami sa lakas ng pagbukas ng pinto. Pati yung professor napatigil sa pagtuturo. Si Clyde pumasok na. Lagi na lang ganun ang entrance nya. Kawawang pinto. 

  

CLYDE POV

Lahat sila napatingin sakin nung pagbukas ko.

Dumako ang tingin ko kina Vince, Yvo, Xien, Von. Then I looked at HER. Shit.

Agad akong lumapit sa upuan  nya. “Pati ba naman ikaw!”

Mukha syang nagulat at hindi magkaintindihan tapos ang pula-pula na nya. Lintek na skirt yan!

Agad kong hinubad ang jacket ko at ipinatong sa lap nya. Hindi naman sya makatingin sakin.

SHE'S MINE.ONLY MINE [PUBLISHED Under Life Is Beautiful (LIB)]Where stories live. Discover now