CHAPTER XX. |DINNER|

83.5K 885 14
                                    

CHAPTER XX

 

LIXIEN POV

"Dinner kina Troy bukas? Bakit anong meron?" Nandito kami ngayon ni Max sa may Veranda ng house namin. Nagkukwentuhan ng mga na-miss ko kanina. Hindi ko na kasi nakasabay sina Max at Troy.

"Dun na lang daw sa dinner ipapaalam ni Troy kung bakit... And guess what!" excited na sabi ni Max.

"What?"

"Kasama daw ang Gangpae sa dinner!" ano daw?

"How could it be? Ok na ba sila? Para san ba yung dinner?"

 "Di ko nga alam eh. Basta malalaman na lang daw natin" 

Ano ba yun. Basta na lang magyayaya si Troy for dinner at kasama pa ang Gangpae, so kasama din si Clyde? Pero imposible namang sumama yun... but wait. "Max, san daw ang dinner?"

Ngumiti naman sya ng malapad " Sa bahay nina Troy na BAHAY DIN NINA CLYDE... with his MOM.Hihi"

Bat naman ganun ang reaksyon ni Max. Bigla akong kinabahan. Ano kayang meron sa dinner na yun.

  

Pagkagaling namin sa school. Naghanda na kami para mag-ayos para dun sa Dinner. Hindi naman pumasok si Troy kaninang umaga.

Nung pumasok ang Gangpae lahat sila may pasa sa mukha maliban kay Clyde. Puro sila mga nakasimangot, lalo na si Yvo. He keep on saying " Sa dinami dami ba naman ng tatamaan mukha pa. Tek" sobrang frustrated lang.

Siguro sanay sila na hindi natatamaan ang mukha nila kapag nakikipag-basag ulo. Pero sino ang gumawa sa kanila nun? Hmm... Ayon sa aking mga Tsismosang Classmate si Clyde daw ang may gawa nun dahil dun sa pangbu-bully nila kay Clyde kahapon. At mukha namang totoo.. knowing Clyde.

Nang tanungin naman namin ni Max sina Vince kung pupunta sila sa dinner mamaya...they just shrug their shoulder sabay tingin kay Clyde. 

I wear a Violet tube knee-length dress. At naglagay din ako ng konting make-up... high-heels and Im ready to go!

Kinatok ko naman si Max sa Kwarto nya. Nang matapos na kami. Bumaba na kami dahil naghihintay na samin ang susundo daw samin papunta kina Troy. 

Nang makasakay na kami sa isang magarang sasakyan. About 25min. din ang byahe.

Isang napakalaking Mansion kaagad ang bumungad samin pagkababa mismo. It's really like a palace. Oo malaki din naman mga bahay namin but this one was a lot bigger.

Iginiya na kami nung Butler papasok. Siya din yung Butler na nagdala ng doctor at nasuntok ni Clyde. Tsk. Tsk.

Dinala nya kami sa Dining Area ng Mansion.

Isang middle-aged woman ang bumati samin. She's gorgeous. She looks a little bit of Clyde. Oh! Maybe she’s their mom.  "Good evening! Hello Ladies. It was nice to meet you. You two are beautiful"

"Gud evening din po Mam. Salamat po" Max.

"Troy would be here in a few minutes..." Tapos parang nag-alangan pa siyang ituloy yung sasabihin nya "Umalis lang siya sandali may kailangan lang daw siyang ayusin" sabay ngiti nito samin.

Then naupo na kami at habang lumilipas ang oras ay ang dami na din naming napagkwentuhan. 

Tita Belle was such an adorable mom. We already love her. Nakakatuwa syang kausap. Bakit kaya hindi nagmana sa kanya si Clyde. Haha.

Nag-usap pa kami ng nag-usap. Bakit kaya wala pa din si Troy. Sa Gangpae hindi na ako umaasa sa mga yun na makakarating sila.

 "Ehem, Gud evening" Sabay-sabay naming nilingong tatlo kung sino yung dumating.

 "TROY!"  nakita namin si Troy na papalapit pero bakit siya may pasa sa mukha?

Pero teka...

Bakit sila magkakasamang dumating nina Vince, ng Gangpae?

VOTE. COMMENT. FOLLOW. XOXO

SHE'S MINE.ONLY MINE [PUBLISHED Under Life Is Beautiful (LIB)]Where stories live. Discover now