CHAPTER LV. |HIS P.A.|

64.6K 571 23
                                    

CHAPTER LV

“Sir. Miss Shaleen is here, papapasukin ko po ba?” sabi ng sekretarya ni Clyde mula sa intercom ng telepono nito.

“Sige, papasukin mo” tugun ni Clyde.

Tulad ni Vince, si Clyde na din ang humahawak ng kumpanya nila. Napagdisisyunan nitong hawakan ang kumapanya nila simula ng mamatay ang ama nito. Siya na ang umako ng responsibilidad na magpatakbo nito dahil wala na rin namang mag-aasikaso nito. Ang kanya namang kapatid na si Troy ay busy din sa pagpapatakbo ng nagsisimula pa lang nitong business sa ibang bansa.

“CLYDE” Masiglang bungad ni Shaleen dito.

Hindi na naman ito pinagka-abalahang tingnan ni Clyde nakatuon lang sa mga papeles ang mata nito.

“Hoy Clyde, Tumingin ka naman”

Tumingin naman dito si Clyde “Bat ganyan ang bihis mo?” Naka-business attire kasi si Shaleen.

Nginitian muna naman siya ni Shaleen bago sumagot “Im applying at your company as OJT-Trainee”

Katulad ni Maxine forth year college na din si Shaleen ng BS Business Management.

“Oh, I see. Dun ka dapat sa HR nagpunta”

“Ahm.. kasi Clyde… Pede ba mag-apply na OJT as your Secretary?”

Napakunot naman ito ng nuo. Tiningnan muna nito si Shaleen “NO.”

“Ayys.Clyde naman eh… sige na”

“Hindi pupwede. Dun kana lang sa HR makipag-usap Shaleen… Istorbo ka dito” At muli na nitong ibinalik sa papeles ang tingin.

“CLYDE!” sabay pokpok nito sa lamesa.

Sinamaan naman siya ng tingin ni Clyde. Napatawa lang naman si Shaleen.

“..Ahh!” Shaleen na mukhang may naisip. “Mag-oojt na lang akong PA mo. Personal Assistant di ba parang sekretarya mo na din yun” Ngingiti-ngiting sabi ni Shaleen.

Nakatingin lang sa kanya si Clyde ng blangko. “Pede ba yun. Psh. Ganyan ka na talaga kadesperada na mapalapit sakin. ” natatawang tingin ni Clyde dito.

Agad naman ang pagngiwi ni Shaleen. “Kapal, Kapal talaga ng mukha mo Clyde” sabay hagis ditto ng isang folder na nasa table nito.

Nasalo naman ni Clyde ang folder. “Hindi ko kailangan ng PA na nanlalaban sa boss niya” sabay baba ng folder uli sa table.

Nagpapadyak naman si Shaleen at pinaghahampas ang kamay sa table “Clyde naman kasi ayoko kasi sa ibang posisyon, for sure uutusan lang ako ng mga empleyado mo… Please naman. Gusto ko Personal Assistant mo na lang. Sige na kasi…”

Bahagya namang napatawa si Clyde sa iginawi ni Shaleen. “Ano ba sa tingin mong trabaho ng PA, di ba utusan din”

“EH, iba naman yun… ikaw naman ang Boss ko eh, hindi mo naman ako pahihirapan di ba” sabay ngiti ni Shaleen.

“Mas kailangan namin ang Janitress dito kaysa sa PA” pabirong sabi ni Clyde.

Mukha namang nainis na si Shaleen “Clyde, ano ba pumayag ka na kasi! Friend’s naman tayo di ba. Sige na sasagutin na kita pag pumayag ka”Tatawa-tawang sabi nito.

Nang hindi naman sumagot si Clyde. Ibinigay na lang ni Shaleen ang folder na hawak nito kay Clyde. “Oh, ayan Resume ko. Bukas na ako magstart ok” At tumayo na ito.

“Sure ka bang nag-aaply kang PA, kung makautos ka. Psh” Clyde

Naglakad na naman si Shaleen papunta sa pinto. “Ahh, basta Clyde magkaka-PA ka na. Bukas na ako mag-start ok” sabay kindat nito kay Clyde at tawa

Binuksan na nito ang pinto pero bago lumabas may pahabol pa ito.”Pumunta ka nga palang Bahay maya pag tapos mo dito, miss ka na daw ni Mommy eh.” Sabay kaway nito. At sarado ng pinto.

Natatawang napailing na lang si Clyde.

Siya namang pagbukas ulit ng pinto at nakasilip duon si Shaleen. “Hindi pwedeng hindi ka pupunta. Aasahan ka ni Mommy.” Bago pa siya makasagot nasarhan na ulit nito ang pinto.

“Psh” Kinuha nito ang folder na iniwan ni Shaleen at binuklat iyon. Siya namang buntong hininga nito sabay ngisi.

NEIL POV

Lixien called me last night about her coming back home one of these days.

And she wants to keep it a secret.

But I should tell Mom about this. They’re here and they’re staying here for good.

“Mom,” Tawag ko kay Mommy, nasa garden sila ni Dad.

“Oh, bakit?” Mom.

“I have good news, Lixien-----

“She’s coming back… Yes I know it Darling” nagulat naman ako na alam na pala ni Mom.

“Oww, I thought Im the only one who know that” Nakakadismaya naman.

Napatawa naman si Mommy “Neil, Hijo matagal ko nang pinipilit yung manager ni Lixien na bigyan man lang ng break ang Baby ko, and finally he agree.” Tatawa tawa pang sabi ni Mommy.

“We should settle some meeting on our Business Associates when Lixien got home” Dad. 

“Para san naman Dad? At bakit sa pagdating ni Lixien” tanong ko.

Hindi naman ako sinagot ni Dad at ipinagpatuloy lang nito ang pagtingin sa Magazine.

“You’ll know it Darling as soon” Mom. Bigla naman akong napaisip. What about that.

“Look at her in here” Dad sabay pakita samin yung kuha ni Lixien sa magazine.

“My Baby is really pretty” Mommy.

Tss. Halos sa lahat ata ng Foreign Mag nakikita ang mga kuha ni Lixien. Ohh. And Im excited to see her.

VOTE. COMMENT. FOLLOW. XOXO

SHE'S MINE.ONLY MINE [PUBLISHED Under Life Is Beautiful (LIB)]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant