Diskriminasyon

55 1 0
                                    

Okay. Sa totoo lang wala akong maisip na maayos na intro para sa kabanata na ito. Alam kong medyo huli na pero nais ko lang maibahagi ang parte ko sa isyu sa pagitan ng ating pambansang kamao na na si Manny Pacquiao at ng LGBT community. (Ang lahat ay opinyon ko lamang)

Malaki na ang naiambag ni Manny sa ating bansa, dahil sa kanya muling nanumbalik sa mapa ng daigdig ang Pilipinas. Meron namang ilan ding atleta ang nagtaas ng bandila ng ating bansa, pero sa moderno panahon si Manny ang ating representative kung salitang 'world-class' ang pinag-uusapan. Kada-laban niya tayong mga Pilipino ang nasa kanyang balikat, sa tuwing nananalo siya kabilang tayo sa bawat sinturon na nakapalibot sa kanyang katawan, ngunit sa isang interview biglang nagbago ang lahat.

Maraming nagalit, maraming nadismaya. Lalo na ang mga taga-LGBT community, sapagkat hindi nila matanggap na kinumpara daw sila sa hayop. Para lang sa aking opinyon, parehong may mali ang kapwa partido. Unahin natin ang nagpasiklab ng apoy ng isyu na ito. Si People's champ Manny Pacquiao. Kung susumahin natin, nakay Pacman na ang lahat, lalong-lalo sa pera. Kaya naman hindi ko malaman kung bakit kailangan niya pang maging isang pulitiko? At galing sa pagiging congressman papuntang senado pa. Sabihin na nating, oo, may naitulong si Pacman. Marami siyang naipatayong foundations at mga pabahay para sa mga mahihirap. Pero iyon ba talaga ang trabaho niya? Kahit hindi pulitiko maaaring gawin iyon. Kasi ano nga ba talaga ang ginagawa ng isang kongresista? Hindi ba ang gumawa ng batas? Kung gayon, ginagampanan ba talaga ni Manny ang kanyang trabaho? Kung iisipin mo, may nakita ka na bang batas na naipasa ni Pacman? Wala.

 Ngayon bumalik tayo sa isyu mismo. Tinanong si Pacman kung ano ang masasabi niya sa same-sex marriage? At may punto din naman ang sagot niya dahil ayon sa kanyang paniniwala na ginawa lamang ang babae para sa lalaki. Ang di ko lang matanggap ay ang pagkukumpara niya sa tao at hayop. Mas masahol pa daw ang tao sa hayop, sa aking opinyon, kahit na sabihin niya pa na ang gawain lamang ang kanyang tinutukoy imposibleng hindi madawit ang mismong LGBTs. Dahil sino ba ang gumagawa ng ganung mga gawain? Hindi ba mga LGBTs lang? Kaya imposibleng hindi niya matatamaan ang LGBT community. Ang isa pang hindi ko matanggap na ginawa ni Pacman ay ang pagsasaad sa kanyang social media sa kung paano tratuhin ang mga bakla/lesbi sa bibliya. Dapat daw ay patayin ang mga bakla at lesbi. At dito, dito ko nasabi na maling-mali na ang ginagawa ni Manny. Nirerespeto ko siya, hindi lamang tayong mga straight, pati na din ng LGBT community. Ito lamang ang isipin mo, ano ang mararamdaman mo kung ang taong nirerespeto mo ay sabihin na hindi niya tanggap ang pagkatao mo at dapat ay supilin ang mga kagaya mo? Kahit na sabihin pang sinasaad niya lang ang opiniyon niya, ang nakasaad mismo bibliyang binabasa niya. Pero sana naman, maisip niyang siya ay isang national figure. Hindi lamang national, kung hindi International. Kaya naman hindi lamang Filipino LGBT ang apektado kung hindi LGBT sa buong mundo. Pero muli pinabilib ulit ako ng ating pambansang kamao. Dahil tinanggap niya ang kanyang pagkakamali, nagpakumbaba siya at humingi ng tawad. At ang mas kinabiliban ko pa ay ang hindi pagbitiw sa kanyang paniniwala, tama siya doon dahil kung iyon ang tama sa kanya bakit niya nga naman bibitawan? Humingi siya ng tawad dahil sa alam niyang nakasakit siya at sa kabilang banda hindi niya binitawan ang kanyang pananampalataya.

Ngayon, dumako naman tayo sa kabilang panig. Ang panig ng LGBT community. Magsimula tayo sa isa sa pinakasikat na bakla sa buong Pilipinas. Si Vice Ganda. Dederetsuhin ko. Hindi ko siya gusto. Dahil sa simpleng rason, masyado siyang mapanglait. Joke? Okay, joke lang. Pero sa tingin niya ba hindi siya nakakasakit? Isipin mo, sa bawat comedy bars, palagi ang Pacquiao family ang pulutan ng asaran. May narinig ba tayo sa kanila? Wala. Nag-guest pa nga si Mommy D sa isa sa mga shows ni Vice e. Heto pa ang hindi kanais-nais na ginawa ng LGBT community. Ang pagpapatanggal kay Pacman sa isang malaking sportswear brand. At yun nga. Nagtamgupay sila. Hindi ko malaman kung ano ang trip nila, nag-sorry na nga ang tao. At sa palagay ko, sincere naman siya. Bakit hindi nila matanggap ang pagpapatawad ng ating modernong bayani? Naalala niyo naman siguro kung paano din hinalintulad ni Vice si Jessica Soho sa lechon hindi ba? At etong Vice naman, nag-sorry din naman, at ngayon nag-sorry si Pacman, bakit hindi niya matanggap? Kahit na sinabi niya sa post niya na 'apology'accepted', bakit panay pa din ang pasaring niya sa mga T.V. shows niya? Nakakaurat lang, ang lakas niyang mang-asar tapos kapag siya itong ininsulto akala mo pinagsakluban ng langit at lupa. Ngayon, nagrereklamo siya na dapat hindi siya dapat ihalitulad sa hayop? E yung petition sa pagpapatanggal kay Pacman sa isang bigating sponsor? Yung petition na huwag panuorin ang darating niyang laban sa Abril? Yan ba ang gawain ng matiwasay na tao?

Pagusapan naman natin ang thrid party sa isyu na ito. Tayo mismo. Guilty ako, dahil ako mismo, malakas mag-post sa fb at ngayon dito naman sa wattpad. Gusto ko din kasing ilabas itong saloobin ko. Lahat naman tayo maaaring mabigay ng opinyon, dahil iyan ang ibinigay na kapangyarihan sa atin ng social media. Pero sana lang alamin din natin ang ating limitasyon. Halintulad nga ng kay Pacman, na isang worldwide celebrity. Kaya naman sa kanyang mga salitang binibigkas, maraming tao ang mapaparatingan nito. Pati na din yung ilang church leaders na sunugin daw yung mga sapatos na gawa ng dating sponsor ni Pacman. Mapapakamot ka nalang, kasi minsan hindi lang Bible ang dapat basahin, hindi ba nila alam na kung lahat ng alagad nila gawin ang sinasabi nila malaking epekto ang magagawa nito sa ozone layer natin? At sa LGBT community leaders na nagpaplanong pabagsakin si Pacman na akala mo walang naiambag na malaki sa ating bansa. Malakas ang kanilang kapangyaihan sapagkat sila ay mga nagsisilbing role model ng mas nakakababang mamamayan na tulad natin. Kaya dapat gamitin nila ito sa tama at sa mas kapakipakinabang na bagay. Tulad ng isang kasabihan na ginamit sa isang sikat na movie, 'With great power comes great reponsibilty'.

Malabo pa sa Sabaw ng PusitWhere stories live. Discover now