Artista na yan!

44 3 1
                                    

Marami ang naki-celebrate sa kasal nila Sir Chief at Maya, marami din ang nag-#bestendingever, at syempre, sino ba naman ang makakalimot at hindi magagalit sa Vhong Navarro mauling. Aminado akong nagalit din ako nung nalaman ko ang nangyari kay Vhong, pero imposibleng maapektuhan ako ng kasalang Sir Chief at Maya at sa kwento ng kathniel. Oo, natural ang maapektuhan tayo ng mga ganitong mga pangyayari, pero hindi na siguro tama kung magiging OA na tayo sa kakasubaybay dito.

Lalo na ang Vhong vs Cedric Lee. Pakiramdam ko mas mabilis pa ang progreso ng kasong ito kaysa sa kaso ng Pork Barrel case. Mabilis na naglalabas ng panibagong ebidensya ang mga pulis sa Vhong vs Cedric case, e sa Pork Barrel Case? Wala pa ngang nakukulong na senador o kung sinumang government official e. At ang media naman, paulit-ulit na binabalita ang tungkol sa Vhong vs Cedric case, nami-misdirect na tayo nang hindi natin nalalaman.

Oo, alam mo nga buong kwento ng Vhong Navarro mauling, e alam mo din ba kung bakit tumataas ang bigas, kuryente, tubig at gasolina? Kilala mo na ba ang mga tao na nasa likod ng pangungurakot sa kaban ng mga Pilipino? Kaanu-ano nga ba ni Ceric Lee si Bruce Lee?

Kung nagagalit ka sa akin dahil sa mga sinasabi ko. Tingin ko isa ka sa mga taong nakikinig at nanunuod sa ibabaw ng balita. Kaya nasa sa iyo na lamang kung magpapatuloy ka sa pagsubaybay sa balitang wala ka namang kinalaman, hanggang sa kapag ito'y tapos na, at paglingon mo sa iyong paligid, wala nang natira sa iyo. Lahat nakuha na ng mga pulitikong bumugbog sa kaban ng bayan.

Na-agrabyado lang ang isang tao, kung maka-react yung ibang tao akala mo sila yung mismong binugbog. Pero yung mga pulitikong umagrabyado sa mas nakararaming mga Pilipino, walang silang pakialam. Hindi nila alam isa sila sa mga naagrabyado ng mga sakim na pulitikong ito. 

Malabo pa sa Sabaw ng PusitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon