It's no Fun in the Philippines

52 3 0
                                    

Hindi na daw masayang manirahan sa ating bansa.

"It's no Fun in the Philippines" ika nga nila. Bakit nga ba matutuwa ang mga banyagang manirahan sa bansang ito? E, kung tayo nga mismong mga Pilipino ay halos umayaw na dahil sa nakakasawang sistema ng pulitika dito.

Binayo na ni Yolanda ang Leyte, pero bakit walang aksyon ang nangyari? Ah! Oo nga pla, dahil hindi daw sila binigyan ng abisong lumipad pa tungo sa mga taong nasalanta. Magaling! Isipin muna ang sarili bago ang iba.

Nakapag-abot na ng donasyon ang ibang bansa sa ating mga kapatid na naapektuhan ng bagyo, pero ang gobyerno nakuha pang sibakin sa pwesto ang hepe sa lugar na iyon. Dahil daw sa hindi pag-aksyon. Hindi ko ma-gets kung bakit niya kailangan sibakin sa pwesto ang hepe ng pulisya doon. Ang mga pulis na rumespunde doon noong kasagsagan ng bagyo ay namatay, paano pa ba sila rerespunde?

Ang problema sa gobyerno natin, sinisisi pa ang mga mga mababang opisyal ng ating bansa para lang mapagtakpan ang baho nila. Hindi kulang ang mga kagamitan ng ating bansa kung transportasyon ang pinag-uusapan, ang kulang sa ating gobyerno ay ang matitinong opsiyal na dapat ay ginagawa ang kanilang trabaho para makatulong sa kanilang nasasakupan.

Kaya naman ang mga papogi nila dati ay masusubukan ngayon. Ang "Tuwid na daan" ay desperadong hinihingi na ng taong-bayan. Walang kaming paki-alam sa love-life mo, di porket single ka lang ngayon. Ang kailangan namin ay ang aksyon niyo kung paano niyo aayusin ang gulo hindi lamang sa Tacloban kundi sa buong Pilipinas.

Hindi lamang ang mga Pinoy ang nagrereklamo dahil sa NAPAKABAGAL na aksyon ng gobyerno o baka naman wala silang balak gumwa ng aksyon. Ang buong mundo ay dine-Demand na gumawa kayo ng paraan para mapa-ayos ang kabuhayan ng mga Kapatid nating Pilipino na natutulog katabi ang bangkay ng kanilang kaanak na nakakalat lamang sa daan.

Hindi ko masisi ang mga Pilipinong sinisisi ang gobyerno, dahil sino pa nga ba ang dapat sisihin sa nagyari? Sino? si Maya at Sir Chief ba? Tinamaan po ng pinaka-malakas na bagyo ngayong taon ang isang parte ng ating bansa at malubhang itong napinsala, kaya naman kung wala kang kayong gagawin para dito, wag na kayong umasang mananalo pa sa susunod na election.

At para naman sa ibang tauhan ng media na kumakampi pa sa bulok na sistema ng pulitiko. Ikaw ata ang itong hindi alam ang sinasabi, nakuha mo pang sabihan ang international reporter na mismong nasa lugar ng pinangyarihan ng bagyo na hindi niya alam ang kanyang sinasabi. Isipin mo sana na miyembro ka ng media at wala ka dapat kampihan kahit kapatid o asawa mo pa iyan.

Sa bawat sakuna o delubyo ay may pagasang nag-aantay pero sana ang pag-asa na iyon ay hindi din manakaw ng kawatan na gobyerno. 

Malabo pa sa Sabaw ng PusitWhere stories live. Discover now