Para sa kaibigan

23 1 0
                                    

Nakakaalarma ang sunod-sunod na kaso ng rape dito sa ating bansa. Tila kada linggo laging may nababalitang nagahasa, minsan buhay pa ang biktima pero kadalasan walang awa silang pinapaslang. Hustisya ba kamo? Wala na. Dahil una sa lahat hindi kilala ng biktima ang rapist o kaya naman ma-pera ang rapist.

Masyado nga bang maluwag ang batas sa mga taong tigang at kung matripan nilang manggahasa ay gagawin nila dahil sa hindi naman nakakasugat ang pangil ng batas dito sa ating bansa. Wala akong masyadong alam sa batas sa ating bansa, pero kung mapapansin mo ang sunod-sunod na kaso ng rape dito sa Pilipinas, siguradong may mali o pagkukulang ang kung sino man ang nasa posisyon.

Tulad ng nakasaad sa title ng kabanata na ito, mayroon akong isang kaibigan na biktima ng rape. Masakit ito hindi lamang para sa kanya kung hindi para din sa kanyang pamilya at mga kaibigan. Ang makita o malaman man lang na ang kaibigan mo ay naging biktima ng ganito kasadistang krimen ay talagang nakakapanginig ng laman sa galit. Dahil una wala ka nang habol dahil sa nangyari na ang hindi dapat mangyari at pangalawa ang mangyayari pagkatapos itong mangyari.

Sa ngayon, napag-alaman kong may anak aking kaibigan, at ang ama ay ang rapist niya. Masakit mang marinig, pero wala na tayong magagawa. Tanging pagdadasal nalamang para sa kinabukasan ng bata ang dapat nating magawa. Tanggap din siya ng boyfriend niya ngayon, kaya sa tingin ko happily ever after na ang takbo ng buhay nila. Kaya bigyan natin ng masigabong palakpakan ang boyfriend nitong kaibigan ko.

Maraming rape cases dito sa bansa, may nabibigyan ng hustisya at mayroon ding kinakalimutan nalamang at tanging pagmo-move one nalang ang solusyon ng biktima para malagpasan ang pagsubok na ito. Mga nawasak na pangarap, mga bagong buhay na nabuo. 

Malabo pa sa Sabaw ng PusitWhere stories live. Discover now