Tatlong mukha ng Pinas

16 1 0
                                    

(Mukha ng kabataang pagasa ng ating bayan)

Juan: Pare, kamusta?

Pedro: Ayos lang naman, heto natanggal ako sa trabaho ko, may tatlo akong anak na pinag-aaral at lubog kami sa utang. Pero so far, okay pa ako.

Juan: Ayos yan pre, kahit may problema naka-ngiti ka pa din.

Pedro: Ganun talaga e, kesa naman maging malungkot ako edi mas lalo kong binaba ang sarili ko.

Juan: Bale ano na ang plano mo?

Pedro: Maghahanap ng bagong trabaho.

Juan: Hindi ba Nursing ang tinapos mo?

Pedro: Oo, bakit?

Juan: E, bakit Call Center ang kinabagsakan mo?

Pedro: Di ko din nga alam pare e, basta ang pagkakaalala ko noong mga panahong hirap akong maghanap ng trabaho na naayon sa kurso ko, biglang may isang ate ang lumapit sa akin at inabutan ako ng flyer at ayun nag-try akong mag-apply, natanggap ako.

Juan: Ah, bakit ka ba natanggal sa trabaho mo?

Pedro: Sunod-sunod kasi ang tardiness ko e. Strikto kasi yung manager namin. Bwiset na trapik yan! Tsaka naging absent din ako ng tatlong sunod na araw gawa ng nagka-sakit ang misis ko at walang magbabantay sa bunso namin.

Juan: So, pagiging nurse pa din ba ang pag-aaplyan mo?

Pedro: Ewan ko pare. Kung ano nalang siguro ang dumating. Wala e, masyadong mahirap maghanap ng trabaho dito sa pinas, lalo na kung pagiging nurse ang pag-aaplyan mo. Mali ko din kasi e, dati in-demand ang nursing, ewan ko ba, biglang halos maubos dito ang vacant position para dun.

Juan: Tsk. Ilang taon ka na nga ba ulit?

Pedro: Bente-tres.

Juan: Shaks! Ang bata mo pa pala, magka-edad lang pala tayo pero mukhang limang taon ang agwat mo sa akin. Hindi naman sa pang-aasar pre, pero mahirap talaga ang magkaroon ng pamilya lalo na at ang bata niyo pa ng asawa mo.

Pedro: Oo nga, ewan ko ba. Ang aga naming nagsama ni Andrea e. Mahal namin ang isa't isa. E, ang kaso, huli na namin nalaman na hindi sapat ang pagmamahalan kung pagpapabuhay sa pamilya ang pinag-uusapan.

Juan: Bakit kaya hindi nalang magtrabaho din si Andrea?

Pedro: E , sino ang mag-aalaga sa mga anak namin?

Juan: Maghanap kayo ng katulong o kasambahay. Yung kamag-anak niyo para mas trust-worthy. Ganun kasi yung ginagawa ng kuya ko sa pamilya niya e. Nagta-trabaho silang dalawa ng asawa para may pangtustos sila sa dalawa nilang anak.

Pedro: Wala pare, galit sa amin yung parehong pamilya namin e. Alam mo naman, nagtanan kami nung 18 palang kami. Tsaka si Andrea, hindi nakapagtapos kaya sa bahay lang siya.

Juan: Grabe pare, hindi ko alam kung may mas lalala pa sa sitwasyon mo.

Pedro: Oo nga tol, parang lahat na ng kamalasan sinalo ko na.

(Nag-ring ang cellphone ni Pedro. Sinagot ni Pedro ang tawag at pagkalipas ng ilang sandali binaba na niya ito)

Juan: Oh, sino naman yun? Chicks mo? Naku pre, mahirap yan pare lalo na sa estado mo.

Pedro: Hindi tol, si Andrea yung tumawag. Postive na daw siya ngayon. Buntis nanaman siya.

                                                                                                 *****

(Mukha ng Gobyernong hindi magiging magkasundo dahil sa iba't ibang mithiin)

Oposisyon: Boo!!! Walang kwenta ang administrasyon! Hindi nila ginagawa ang trabaho nila ng tama. Panay paninira lamang sinasabi nila. Ano nga bang nagawa nila? Wala, sira-sirang kalasada, mga hindi matapos-tapos na proyekto, at mga kurapsyon na hindi matigil-tigil! Kami ang botohin ninyo. Kami ang magbibigay sa inyo ng pagbabago!

Admistrasyon: Hoy! Ginagawa namin ang trabaho namin! Kayong mga oposisyon, panay paninira lang naman ang ginagawa ninyo. Mag-hintay lang kayo, dapat maging pasensyoso ang mga mamamayan, dahil ang aming misyon sa bansang ito ay hindi pa tapos. May mga pagkukulang kami, dahil lamang iyon sa kulang ang anim na taon para maayos ang bansang ito na naging resulta gawa ng nakaraang administrasyon.

                                                                                               *****

(Mukha ng Pilipinong nagiging dayuhan)

Anak: Ma, kailan ka po uuwi?

Ina: Malapit na anak, may kailangan lang gawin si mama dito.

Anak: Asan ka po ba?

Ina: Isang lugar anak na tinatawag na America.

Anak: Malapit lang ba iyan, mama? Pwede ba kaming bumisita dyan ni papa?

Ina: Hindio pwede anak. Malayo kasi ito. Mapapagod ka lang at pati si papa. At ayaw mangyari ni mama iyon sa kanyang prinsesa.

Anak: Ma, okay lang na mapagod kami ni papa. Ang importante makita at makasama ka na namin ni papa.

Ina: (Pinigil ang pag-iyak, ngunit patuloy na tumulo ang luha mula sa kanyang mga mata) Huwag kang mag-alala anak. Malapit nang umuwi si mama, konting antay nalang.

Anak: Sige, mama. Mag-aantay kami ni papa dito. Maghahanda kami ni papa ng madami-madami para matuwa ka.

Ina: Sige anak. Aasahan ko iyan. Pwede ko bang kausapin ang daddy mo, pag-uusapan kasi namin yung pag-uwi ka dyan, okay?

Anak: Okay, ma. Papa, kakausapin ka daw ni mama.

Ama: Sige na, anak. Pumunta ka na sa kwarto mo at manuod na ng T.V.

(Umalis ang anak at nagtungo sa kanyang kwarto)

Ama: Cecil, naayos mo na ba ang mga papeles?

Ina: Oo, para kay Princess naman ang lahat ng ito.

Ama: Okay. Kailan ba ang kasal ninyo?

Ina: Next week, doon ko na din makukuha yung citizenship ko para hindi ako mapa-deport.

Ama: (Huminga ng malalim) Paano natin sasabihin kay Princess ito?

Ina: Hindi ko alam, Ben. Hindi ko alam. (Hindi nang napigilin ang kanyang pag-iyak)

Ama: Sige. Tahan na. Darating din tayo sa oras na iyon. Masyado pang bata si Princess para maintindihan ang mga ganitong bagay.

Ina: Ben, hindi na kailangan pang umabot sa ganito. Pwede naman ako dyang umuwi at dyan nalamang magtrabaho.

Ama: Cecil, hindi sapat ang kikitain mo dito. At pati natin yung pagpapasada ko, kulang para sa pagpapaaral sa kanya.

Ina: Ben, mahal na mahal pa din kita. (Mas lalo pang umiyak)

Ama: (Napaluha na din, at ibinaba nalamang ng marahan ang telepono)

Anak: Pa?

Ama: Oh, akala ko  ba nanunuod ka na? (Dali-daling pinunasan ang kanyang mga luha)

Anak: Bakit ka po naiyak?

Ama: Nami-miss ko lang ang mama mo. 

(Lumapit ang ama sa kanyang anak at niyakap niya ito ng mahigpit)

Malabo pa sa Sabaw ng PusitWhere stories live. Discover now