Return of the Comeback

41 1 0
                                    

Wew! After 11 months, ngayon lamang ako nakapag-update dito. Sa labing-isang buwan, marami-rami na din pala ang nangyari. Natapos na ang 'Be careful with my heart', Nag-trending si Princess Sarah at ang kanyang patatas, binayo ni Yolanda ang mga kapatid natin na taga-Tacloban, bumisita si Pope Francis sa bansa, maraming nagpa-poging pulitko, maraming tinagong batang kalye, naging judge si Congressman singer coach pastor 8 division world champion Manny Pacquiao ng Miss Universe, at marami pang iba.

Syempre, kung mayroong mga pangyayaring naganap sa halos isang taon kong pananahimik, mayroon ding mga hindi pa nangyayari, tulad ng hindi matinag-tinag na Kathniel (mukhang may hinahabol silang world-record), hindi pa din tinatangap ni Mayweather ang hamon ni Congressman singer coach pastor 8 division world champion Manny Pacquiao, at syempre ang malagay sa katahimikan ang love-life ni Mr. President.

Sa totoo lang, hindi na dapat ako maguupdate dito pero sa hindi maipaliwanag na pangyayari, biglang naisipan kong magsulat ulit dito. Tinanong ko na sila Einstein, Newton, at Aristotle kung bakit ako muling nagup-date dito pero hindi nila alam ang kasagutan. Sinubukan ko ding bumisita kay Stephen Hawking para tanungin siya pero natunugan niya ata ang aking pagdating kaya nagtago na siya para iwasan ako.

Pero seryoso, nakakamiss talagang magbigay ng opinyon o kaya naman mag-rant dahil sa pamamagitan nito, nababawasan ang stress ko. Hindi ko alam kung bakit pero sa tuwing nakakapanuod ako ng balita nabu-bwisit lang ako. Lalo na yung mga ginagawang batas na wala namang patutunguhan. Ayaw ko nalang sabihin dito dahil baka mayari ako na kapag sinabi kong ang mga batas na tulad ng ipagbawal ang Dota sa isang lugar o kaya naman ang pag-papatupad sa cybercrime ay mga walang kwentang batas para sa aking pananaw. Ang mga social networking sites na katulad ng Facebook at Wattpad, ay mga sites kung saan maaari nating ihayag ang ating mga sariling opinyon. At kung maipapatupad man ito, kukulangin ang mga selda sa Pilipinas para sa mga susuway sa cybercrime law.

Siguro nga ginagawa naman ng ilang pulitiko ang kanilang trabaho, pero ang pag-gawa ng mga batas na walang katuturan ay parang nagsasayang lang din tayo ng tinta at papel. Sayang ang resources guys! Kaya sana man lang wag sayangin.

Minsan nagtataka ako kung bakit pa ba sila binoboto ng ilan nating kababayan, dahil siguro sa sikat ang kanilang kapatid o iba pang kapamilya, o kaya naman sadyang matulungin talaga sila sa kanilang mga nasasakupan at tanging para sa kabutihan ng nakararami ang kanilang mga ginagawa. Kaya naman dahil sa palpak na pag-iisip ng ilang botante, mapapa-Clash of Clans ka nalang sa inis.

Malabo pa sa Sabaw ng PusitWhere stories live. Discover now