Loosing my Religion

67 5 2
                                    

Mahirap na usapin ang relihiyon. Dahil sa dami ng paniniwala at tradisyon. Tayong mga pinoy ay nanggaling sa pagiging isang Islamic country, hanggang sa sinakop tayo ng mga kastila kaya napalitan ito ng pagiging Kristyano. Ngunit bakit nga ba mayroon pa din mga muslim lalo na sa mindanao? Sa tingin ko sila yung mga klase ng mga Pilipino na hindi pabasta-basta bumibitaw sa kung ano nga ba ang pinaniniwalaan nila. Kung muslim sila, mamamatay silang mga muslim. Saludo ako sa kaugaliang iyon. Halos buong Pilipinas ay na-convert sa pagiging Kristyano pero yung mga kapatid nating nasa Mindanao ay patuloy pa din sa pagsunod sa kanilang kultura at tradisyon.

----------

Katoliko: Anong relihiyon mo?

Born again: Christian. Ikaw?

Katoliko: Roman Catholic.

Nagtataka ako sa mga ganitong klaseng konbersasyon. Kapag ba Katoliko, hindi na siya isang kristyano? Nakagawian na kasi nating mga Pilipino na kapag Katoliko, iba na agad sa mga kristyano. Dahil ayon sa subject ko na Social Dimension, na ang Roman Catholic at Prostetante ay ilan lamang sa mga Sects ng Kristyanismo. Basta taga-sunod ka ni Kristo, isa ka nang kristyano, ganoon lang kasimple iyon.

Kaya nga hindi ko ma-gets yung mga ilang mga sects kung bakit tinutulak nila papalayo ang ibang sects dahil sa mayroong pagkakaiba ng paniniwala. Masyadong ma-seremonyas ang katoliko, masyadong maingay naman ang praise and worship ang mga Born-again at masyado namang tahimik naman ang mga baptist. Iba-iba ang mga pamamaraan ng pagsamba pero iisa lang naman ang sinasamba. 

Nawa'y wag ninyong masamaan ang aking sasabihin. Dahil pansin ko lang na, isa ang relihiyon kung bakit tayo watak-watak. Mali siya at tama ako, tama ako at mali sila, tama kami at mali siya, ngunit wala pa akong nakikitang isang relihiyon na nagsabi na mali kami at tama sila o kaya naman, tama tayong lahat. Nakakalimutan na kasi na natin ang tunay na dahilan ng relihiyon. Ito ay ang magmahalan at magkaroon ng pagkakaisa. Hindi ito labanan ng mga paniniwala, ito ay ang pagkikipaglaban sa mali at masasama.

 Kaya nga, nakakadismayang isipin na kung dati ay kristyano laban sa muslim, ngayon naman meron nang muslim laban sa muslim at kristyano laban sa kristyano. Yung isang bagay na sagrado para sa lipunan, ay naging magulo na din. Kaya dahil sa aspetong ito, sadyang mahirap na talagang makamit ang kapayapaan nang sanlibutan.

Malabo pa sa Sabaw ng PusitWhere stories live. Discover now