Pinoy Vs. Tate

75 5 0
                                    

Isang gabi sa kahabaan ng Roxas Blvd. May isang bebot ang naglalakad. All red ang kanayang kasuotan; tube dress, 8 inches na takong, louis vuitton na bag, at scarf. Ngunit sa isang hindi inaasahang pagkakataon, nadulas siya dahil sa balat ng saging (As usual). May dalawang taong nakakita sa pangyayari, isang pinoy at isang amerikano.

Amerikano: Maam, Are you alright?

Pinoy: MMMM! Sakit 'no? HAHAHAHA!

Ganyan ang classic pinoy expression sa tuwing may makikitang nadulas, madadapa o matutumba. Ang unang gagawin ay tatawa, minsan tawa nalang wala nang tulong. Ganyan na ba talaga ka-sadista ang mga pinoy? Hindi naman siguro. Malamang, kaya lang hilig natin ang pagtawanan ang mga taong nagdi-dive ng walang dahilan ay  sadyang masiyahin lang talaga tayo. Sa lahat ng bagay ang unang reaksyon natin ay ngumiti o tumawa. Kahit sa hirap o ginhawa.

Walang katulad ang pinoy pagdating sa ganitong klase ng ugali. Ang likas na pagiging masiyahin. San ka ba naman nakakita ng mga batang nagsswimming sa baha? Mga matatandang nagmamajong? Mga pulitikong nakangiti kahit na naghihirap na ang bansa? Lupit di ba? Yan ang pinoy, walang kayang bumasag sa ating mga ngiti.

----------

Isang araw ay sabay na nagkape sina Juan at john sa isang coffee shop. Isinawsaw ng pinoy ang kanyang pandesal sa sarili niyang kape.

Amerikano: Wow, clean. All Filipinos are clean.

Pagkatapos ay ininom ni Juan ang kape.

Amerkano: Dirty! Filipinos are dirty!

Sabi ng tatay ko, ito daw ang dahilan kung bakit tinawag tayong marumi ng mga banyaga. Nung bata ako, paniwalang-paniwala ako sa kwento niya. May point din naman ang mga banyaga, nilinisan mo yung pandesal gamit yung kape tapos iinumin mo yung pinaglinisan mo. Edi madumi nga talaga. Pero nung lumaki na ako, ayun, nalaman ko na gawa-gawa lang pala o narinig lang ng tatay ko yun.

Bakit nga ba sinasawsaw natin ang pandesal sa kape?

Sa tingin ko, isa ito sa mga nagpapakita na tayong mga Pinoy ay malikhain. Isawsaw mo ba naman ang pandesal sa kape? Henyo! Perpekto ang combinasyon ng crispy na outer layer at malabot na loob ng pandesal, sa mainit na kape, depende nalang sayo kung barako o 3 in 1. Hanggang sa ngayon wala pa akong nakikitang banyaga na ginagawa ang tradisyon na ito, liban nalang sa mga dayuhan na namalagi na dito ng mahabang panahon.

---------

Ngayon, hindi ko malaman kung bakit may mga pinoy na ayaw maging pinoy. kompleto naman tayo, may sariling wika, watawat, mga bayani, at malaya sa mga banyaga pero hindi nga lang sa palpak na pulitika. Pero kung iisipin mo, walang masama maging pinoy. Kaya nga ang labo di ba? May mga banyagang gustong maging pinoy tapos yung ilan sa atin, ayaw na. Ano  ba ang gusto nila? maging bilyonaryo sa isang tulog lang? Kaya nga tayong mga pinoy binigyan ng mga kakayanan tulad ng pagiging malikhain at masiyahin, dahil sa alam ng tagapaglikha natin na magiging ganito ang ating bansa dahil sa mga mapagabusong pulitiko. Kaya nating mabuhay sa hirap, makagawa ng trabaho galing sa kawalan, nakakalungkot nga lang yung iba e dinadaan sa maling pamamaraan. Kaya din nating tawanan ang delubyo at sakuna, kaya ang resulta, mas gumagaan ang problema.

Tayo ay mga Pinoy. Hindi man tayo kasing yaman ng tate, mas matatalino at mas may pagkakaisa nama tayo. Wag lang nating kakalimutan na, walang imposible sa taong malikhain at puno ng determinasyon. At ito ay ang bumubuo sa isang tunay na Pilipino.

Malabo pa sa Sabaw ng PusitOnde as histórias ganham vida. Descobre agora