Chapter 3

25.7K 780 309
                                    




"Para magkakilala ang lahat ay magpakilala kayo isa-isa. Tapos mamaya magkakaroon kayo ng one game na kayo-kayo lang. Gusto namin na makita ang laro ninyo ulit." sabi ni Ate Abby.

"Name, age, position ninyo sa last team ninyo ang sasabihin ninyo tapos dito sa harap magpakilala." sabi ni Ate Juls. "Umpisahan mo." sabi nya sa pinakadulo sa kaliwa ko.

Pumunta sa harap ang babae. "Hi guys! I'm Yuri Kim, 18 years old, power forward." tumingin ako sa kanya, napansin kong magkasingtankad lang kami. Bumalik sya sa pwesto nya kasabay ng sumunod sa kanya na pumunta sa harapan.

"Ako naman si Aj Diaz, 18 years old, center." pero mas matangkad ito samin.

"Hello everybody! Patricia Miranda, 18 years old, point guard."

"Hi, Xenon Jung, 17 years old, point guard din."

"Hello guys, ako si Anna Russel Sy, 19 years old, captain at point guard." tinignan ko sya, para kasing pamilyar yung pangalan nya.

"Hi girls Jhianne Erno, 18 years old, small forward."

"Hello sa inyo, Louise Zamora, 18 years old, center." oh center 'tong babaitang 'to? eh mas matangkad pa ako rito eh.

Pumunta ako sa harapan nila pagkatapos ni Louise. "Hello, Zoe Reyes, 18 years old, shooting guard." sabi ko at ngumiti sa kanilang lahat. Bumalik ako sa pwesto ko habang ang kasunod ay pumunta sa harapan.

"Hi, ako nga pala Genesis Fernadez, Gen for short, 17 years old, small forward." nakangiting sabi ni Gen.

"Yo! Nikki Lee, 19 years old, point guard."

Sumunod na naglakad ang isang butch na katulad ni Japan.

"Hi! Jayden Fajardo, 18 years old, shooting guard." sabi nito.

"'Yan yung pesteng ka-roommate ko." bulong ni Louise. Tinignan ko naman si Jayden. Gwapo rin sya pero mas gwapo nga lang si Japan.

"Japan Sawada, 18 years old, bench member." nanlaki ang mga mata ko at nagsitaasan ang mga balahibo ko. Lahat kami napatingin sa kanya. Yung boses nya kasi ang lamig.

At ano daw? Bench member? ibigsabihin hindi sya pasok sa first five sa team nila pero nakapasok sya rito.

"Ehem! Parang nangyari na 'to ah." pabasag katahimikan na sabi ni Ate Noimi. Nagtatakang tumingin kami sa kanila

"Oo nga 'no? Akalain mo 'yun!" natatawang sabi Ate Krystal.

"Sino kaya ang magkakainterisado sa batang ito." sabi ni Ate Juls. Hindi namin alam kung ano ang pinag-uusapan nila kaya nakatunganga lang kami sa kanila.

"Tuloy nyo na." sabi ni Ate Kill kaya nagpatuloy ulit sa pagpapakilala.

"I'm Torey Torres, 18 years, captain and shooting guard."

"Hello, Kiara Jacobo, 18 years old, bench member lang din po. Hindi ako masyadong napapabilang sa first five." napatingin kaming lahat sa kanya. Nakaka-curious kung paano sila nakapasa rito. Hindi sa minamaliit sila pero kasi halos lahat kami ay nasa first five tapos sila ni Japan ay pang-sub lang o nakakapaglaro pa sila sa lagay nila?

"Hi, Ivy Fulkerson, 17 years old, shooting guard." bumalik sya sa pwesto nya habang ako naman ay hinintay na pumunta sa harapan ang nasa huli.

"Hi, Alexa De Vera, 19 years old, power forward." sabi nya at bumalik sa pwesto nya. Alexa huh.

"Good, mukhang magiging maganda rin ang batch ninyo." sabi ni Ate Ella.

"Let's start the game." sabi ni Ate Abby.

Melting Ice Princess 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon