Chapter 21

18K 610 227
                                    




Zoe's POV

"Alam mo, ang KJ mo." sabi ni Louise sakin. Nasa pool area kaming lahat at nagkakasayahang nagswi-swimming.

"Bakit naman?" takang tanong ko sa kanya.

"Paano, ikaw lang ang nakasando at nakashort sating lahat except syempre sa cross dresser." sabi nya kaya napatingin ako sa sarili ko tapos sa mga kasamahan namin na nakasuot na puro bikini. Nakibitbalikat ako.

Hindi ko pwede ipakita ang peklat sa hita ko kaya nakashort ako na above the knee. Kaparehas ko ng outfit sila Japan, Torey, Jayden, Kiara. Si Ate Kill naman naka-tshirt sya pero nakasuot pa rin sya ng bikini. Parang pinatungan nya lang ng tshirt at the rest ay nakabikini na. Kaya busog na ang mga lalaki sa mga naggagandahang babae na naglalaro sa pool.

"Waah!" nagulat ako nang may biglang tumulak kay Louise. Nasa gilid kasi kami ng pool na nakatayo. Napansin ko si Torey na itutulak sana ako pero umiwas ako at sya ang nahulog sa pool. Tawang tawa ako sa nangyari.

"Shit!" may tumulak sakin sa likod pero nahawakan ko ang kamay nya kaya sabay kaming nahulog na dalawa sa pool. Agad akong umangat sa tubig at tinignan kung sino yung tumulak sakin. "Walangya ka Nikki!" tinawanan nya lang ako at lumangon palayo. Nailing ako at umahon.

Umupo ako sa tabi ng pool. Hinanap ko si Louise, ayun hinahabol si Torey. Sya lang naman kasi ang tumulak kay Louise at dapat sakin pero umiwas ako. Nakita ko naman si Jayden na nakasimangot habang nakatingin sa dalawang naghahabulan. Nailing ako, selosa pala ang Jayden na 'yon.

Nahagip ng paningin ko si Japan at Alexa na nakaupo sa tabi ng pool sa kabilang gilid. Hindi sila nag-uusap, nakatingin lang sila sa mga naglalaro sa pool. Nakatayo si Japan habang si Alexa ay nakaupo.

Nakasuot na sando si Japan at shorts na mas maikli sakin. Si Alexa naman ay ang sexy at ang hot nya sa suot na dark red two piece bikini. Ngayon ko lang nakita ang kurba ng katawan ni Alexa. Talagang ang sexy ni Alexa at may abs pa sya na hindi masyadong litaw.

Lumubog ako sa tubig at lumangoy papunta sa kanila. Hinawakan ko ang paa ni Alexa na nakalubog sa tubig. Napansin kong nagulat sya dahil mabilis nyang iangat ang paa nya. Umangat ako at tumingin sa kanya.

"Shit! akala ko kung ano na!" sigaw nya. Natawa ako. Tumingin ako kay Japan na nakatingin samin. Kinindatan ko sya pero napapoker face lang sya.

"Cute." sambit ko. Inirapan nya lang ako at naglakad palayo. Sinundan ko lang sya ng tingin hanggang sa huminto sya sa tabi ni Jayden.

Tumingin ako kay Alexa dahil bigla syang tumahimik. Hindi sya nakatingin sakin. Napadako ang tingin ko sa labi nya. Bigla akong nakaramdam na mahalikan ang labi nya. Hinawakan ako ang dalawang kamay nya at maingat na hinila pababa sa pool.

"What the─" hindi nya natuloy ang sasabihin nya dahil sinama ko sya sa paglubog sa ilalim ng tubig at hinalikan sya sa labi.

Inimulat ko ang mga mata ko at nakita kong gulat na gulat si Alexa. Napangiti ako at umangat kami sa tubig. Naghabol ng hininga si Alexa pagkaangat namin sa tubig. Sinamaan nya ako ng tingin at hinampas sa balikat.

"Aww! masakit 'yon ah!" sabi ko habang himas-himas ang hinampas nyang balikat ko.

"Ikaw! ugh!" napangisi ako dahil parang syang inis na inis─ ay hindi, inis na pala sya.

"Isa pa." pacute kong sabi.

"Sa tingin mo papayag ako?"

"Oo kasi gusto mo ako eh." napanganga sya. Kinindatan ko sya pero napasimangot lang sya. Walang talab 'yon sa kanya? akala ko ba gusto ako ng amazonang ito?

Melting Ice Princess 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon