Chapter 15

18.9K 626 68
                                    



Kill's POV

Pabalik ako sa room nung makasalubong ko si Avey. Nagkatinginan kaming dalawa at walang nagbalak na magsalita. Gusto ko syang lapitan at yakapin pero nang makita ko ang bodyguard nya sa hindi kalayuan ay hindi ko na tinuloy. Gusto kong sabihin nya na hindi totoong ikakasal sila ni Gerald na puro kasinungalingan lang ang lahat ng ito pero sorry lang ang narinig ko.

Ang sakit. Kailan ba ako magiging masaya ng tuluyan? parang ang ginagawa ni lord sakin ay panandaliang saya tapos dadarating na masasaktan ulit ako. May nagawa ba akong mali? bukod sa napatay ko si Warren, wala na akong ibang ginawang masama para ganituhin ako. Bakit lagi na lang ako pinipigilan na maging masaya habang buhay?

Nilagpasan ako ni Avey. Napayukom ako ng kamao. Balak ko syang sundan kaso biglang naglakad papalapit ang mga bodyguard nya. Bantay sarado talaga sya ni Gerald. 

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa court kung saan naglalaro silang lahat. Nagtataka ako nang makita si Ashley. Bakit nandito 'to?

"Kill!" masiglang salubong sakin ni Ashley.

"Anong ginagawa mo rito?" agad kong tanong. Napairap sya.

"Nagbabakasyon. After namin lumaban nang wala ka sa iba't ibang bansa, wala ba kaming karapatan na magpahinga?" talagang pinandiinan pa na wala ako sa mga bawat laban. Kinaya naman nila, ano pa bang problema nila?

"Nandito rin ang iba?" lumaki ang mga ngiti nya at tumango. Napa-poker face ako.

"Kasama nila si ano, basta 'yon." sabi nya. Hindi man nya ituloy ay kilala ko na rin naman. Hindi nya mabanggit-banggit. Siguro alam na rin nila ang nangyari. Hindi ko sinasabi sa kanila dahil baka maapektuhan ang laro nila.

"Bakit dito ninyo napili magbakasyon? Iniispiya ninyo kami 'no?" tanong ni Anya. Inakbayan naman sya ni Ashley bago sagutin.

"Nandito si Kill, natural dito kami pupunta tsaka nandito kayo eh. Balak naming makipaglaro sa inyo. Tatalunin ulit namin kayo." pagyayabang nya. Nailing ako.

"Oy! natsambahan lang kayo sa huling tira ni Kill kaya wag kang mayabang diyan." sabi ni Krystal. Ngumisi ngisi naman si Ashley.

"Bakit hindi tayo maglaro nang malaman natin?" paghahamon ni Ashley.

"Wag kang ano. Nagtrai-training kami." sabi ni Shiela na sya ding lumapit.

"Scared?" nailing ako. Ayaw talaga magpaawat.

"Kill!" napalingon kaming lahat sa tumawag sakin. Hindi ko pa nakikilala kung sino ang tumawag sakin ay may bola na agad na tumama sa mukha ko.

Putek! Ang sakit! Misdirection ba naman yung bato, paanong hindi sasakit ang mukha ko? Napatumba pa nga ako sa lupa dahil sa batong 'yon. Dalawang tao lang ang nakakagawa non sa Miracle pero alam kong hindi magagawa 'yon ni Eli kaya sigurado akong si Erin 'yon.

"Okay ka lang?" tanong ni Sam. Sinamaan ko sya ng tingin at tinulak dahil nasa harapan ko sya. Tumayo ako at hinanap si Erin pero wala sya.

"Nasaan sya?" tanong ko at nagsituruan naman agad silang lahat sa isang tao na hindi ko napansin na nandito rin pala. 

Nagkatinginan na naman ulit kami. Agad tumibok ng puso na masilayan ko ang ngiti nya kahit tipid man 'yon. Kahit simpleng ngiti nya ay nagagawa nyang pabaliwin ang puso ko. Kung hindi lang sana nangyari ang lahat ng 'to. Masaya akong pagmamasdan ang mukha nya at walang iisipin kundi ang future naming dalawa.

"Ehem!" napabalik ako sa diwa ko at tumingin sa mga kasamahan namin na lahat ata sila nag-ehem. Napa-poker face na lang ako at hindi sila pinansin.

"Tutal nandito na rin ang lahat, bakit hindi tayo maglaro? Kanina pa nag-aaya 'tong si Ashley. Isama natin ang rookies para makalaban nila tayo. Maghalo-halo tayong magkakagrupo." suggest ni Abby.

Melting Ice Princess 2Where stories live. Discover now