Chapter 8

19.7K 651 100
                                    




Napamulat ako sa sinag ng araw na tumutok sa mukha ko. Umupo ako at napantanto ko na nasa labas pa din pala ako kung saan kami nagtraining kanina. Pero nakakapagtataka na ako lang ang tao rito. Wow, ang galing nila iniwan nila ako. Anong klaseng teammates ang mga 'yon?

Napatingin ako sa gilid ko at laking gulat ko na makita si Japan na nakaupo habang nakasandal sa puno tapos nakatingin pa sya sakin. Nakakatakot naman 'to akala ko multo, ayon pala ay isang bansa lang pala.

Tumayo sya sa kinauupuan nya at naglakad paalis. Napakamot ako ng ulo nung umalis sya. Iniwan ako, pati ba naman sya iiwanan ako? saklap naman. Okay lang sanay na rin naman ako. Tumayo na ako at naglakad pabalik sa dorm.

Pagkapasok ko sa loob ng dorm, nasa living room silang lahat miski si Japan. Nanonood sila ng tv. Hindi ko lang alam ang palabas dahil nag-commercial.

"Oh gising ka na pala Zoe." napatingin silang lahat sakin nung mapansin ako ni Louise.

"Hindi, tulog pa ako na naglalakad at nagsasalita." sabi ko, napasimangot naman sya kaya natawa na lang ako ng mapang-asar sa kanya. "Bakit pala iniwan ninyo ako roon mag-isa? grabe hindi ninyo man lang ako binuhat papunta sa room ko." sabi ko sa kanilang lahat.

"Mabigat ka kasi kaya hindi ka namin binuhat pa." sagot ni Alexa. Napa-pout ako.

"Sama mo naman, mas mabigat ka pa nga sakin eh tignan mo katawan mo ang ta─ hoy!" sigaw ko sa kanya dahil muntik na ako matamaan ng unan sa mukha dahil sa kanya.

"Bulag ka ba?! mas mapayat pa nga ako sayo!" okay beastmode na naman si amazona. Ang pikon talaga nito. Hindi talaga marunong tumanggap ng biro ito.

"Mag-uumpisa na naman kayo. Mabuti pa Zoe, magbihis ka na at bumalik dito. Laban ngayon ng Miracle against Japan." sabi ni Ate Abby. Kaya napatingin ako kay Japan. Sinamaan nya ako ng tingin pero nginitian ko lang sya. Ang cute nya.

"Sige po paki-pause na lang po kapag nagsimula na." sabi ko at patakbo paakyat sa room namin ni Japan.

"Baliw! hindi napa-pause 'to!" sigaw ni Aj. Napakamot naman ako ng ulo. Oo nga pala pinalabas lang pala 'yon sa tv.

Binilisan kong maligo at magbihis para mapanood ko ang laban nila Ate Kill.

"Ang bilis ah? hindi ka nagsabon at nagshampoo 'no?" tanong ni Russel.

"Uy nagsabon ako at nagshampoo kahit amuyin mo pa ako eh." sabi ko at tumabi kay Japan dahil sa tabi nya lang ang bakante. "Anong quarter na?" tanong ko habang nakatingin sa tv.

23-10, lamang ang Japan. What?! bakit ang laki ng lamang nila? anong nangyari? bakit sila tambak?

"First palang. Ang lalaking dambuhala ng mga Japan kaya nahirapan sila Kill." sagot ni Ate Juls na mukha ng basa ang nasa isip ko.

"Pero thirteen ang lamang. Ang laki non." sabi ko.

"Magagaling din kasi ang mga Japan. Sa kanila rin kami nahirapan non pero nakaya namin at isa lang ang lamang namin. Sa lagay ng Miracle, impossible silang manalo sa kanila dahil una ay napakahigpit ng bantay nila at yung mga tira nila ay laging pasok, lalo na ang number ten nila, ang three pointer na laging nasho-shoot kada titira sya. Hindi naman sya mapigilan ni Sam dahil sobrang bilis din ng pagkatira nya." explain ni Ate Ella. Mukha ngang delikado ang Miracle.

"Nakakadalawang time out na ang Miracle. Sana naman sa pagkakataon na 'to makaisip na sila ng paraan para matigil ang momentum ng Japan." sabi ni Ate Noimi. Tama sya. Ang laki ng lamang nila kailangan nila iyon bawian.

Melting Ice Princess 2Where stories live. Discover now