Chapter 26

16.6K 533 152
                                    


Zoe's POV

Shit, shit, shit, shit, shit!

Alam nyo ang nakakainis? hindi na naman ako nakakapuntos kay Japan. Lagi nya nakukuha ang bola sakin at naiblo-block nya ako. Nakakainis talaga! Lamang na sya ng ten points sakin at kahit isang puntos ay hindi nya ako pinagbigyan. Banas 'di ba?

"Ano Zoe? wala ka pala eh!" sigaw ni Aj. Sinamaan ko sya ng tingin.

Lahat sila nandito at nakikinood samin dalawa ni Japan. Hindi ko alam kung saan nila nalaman na maglalaban kami ni Japan at bigla sila nagsidagsa dito bago pa kami mag-umpisa ng laban.

"Manahimik ka dyan!" inis na bumaling ako kay Japan na nakatayo sa ilalim ng ring.

Huminga ako ng malalim. Ayoko sanang tanggalin kaso kapag natalo ako dito, mawawalan na talaga ako ng pag-asa kay Japan.

"Time freeze!" sigaw ko. Napakunot ang noo sya. Napasmirk ako sa kanya. Humanda ka.

"Ano na naman yan Zoe?" sabi ni Ate Anya.

Hindi ko sya pinansin. Pumunta ako sa gilid at tinanggal ang Wrist Weight and Ankle Weight na binigay sakin ni Ate Avey. Hindi ko talaga 'to tinanggal simula nung binigay nya sakin. Nung una nabibigatan ako pero kinalaunan na sanay na ako.

"What the heck?" rinig kong sabi nila. Napangisi ako.

"Seryoso na 'to." sabi ko at bumaling kay Japan na nakatingin sakin.

"As if naman may laban ka sa kanya kahit na tinanggal mo yan." sabi ni Jayden. "Sigurado magaan lang yan eh." dagdag nya pa tapos kinuha yung Wrist Weight ko. "Putek! ang bigat!" napairap ako. Ano akala nya na magaan lang 'yon?

Kinuha ko ang bola at drinibble. Napatingin ako sa kamay ko habang drinidribble. Napangiti ako. Ang gaan sa feeling na wala na akong suot na wrist weight. Matatalo ko na si Japan nito.

Napansin kong nakalapit na pala sakin si Japan at balak na kunin ang bola pero iniwas ko at umikot sa kabilang side nya. Tumakbo ako papunta sa ring. Expected mabilis na nakahabol sakin si Japan. Huminto ako at mabilis na tinira ang bola. Hindi nya na block kaya tuloy-tuloy 'yon sa ring.

Pumasok ka...pumasok ka!

"Ohhh!!"

"Yes!" tuwang sabi ko na pumasok yung bola sa ring. May score na din ako!

"Nagkascore din sa wakas!" may sumigaw pero hindi ko na inalam kung sino. Nakangiting nanghahamon ako kay Japan.

"Tsk.." napapout ako dahil parang wala lang sa kanya yung ginawa ko.

Humarang ako sa kanya na magsimula na syang magdribble. Akala ko dadaan sya sa gilid ko kaya hinarangan ko sya pero hindi, tumalon sya para itira ang bola. Kahit na impossible ay sinubukan kong iblock sya. Laking gulat ko na lang na kalhati ng kamay ko ay naabot ang bola. 

Agad kong kinuha ang bola. Hindi makapaniwala na naabot ko pa 'yon.

"Wow! nag-iimprove ka, Zoe!" sinamaan ko ng tingin si Ate Zeke. Parang sinasabi nya hindi ako magaling ah.

Nagpatuloy na lamang kami sa paglalaro ni Japan, nakahabol ako sa kanya at sobrang higpit ng laban naming dalawa. Pawisan na ako at hinihingal na, syempre ganon din sya. Wala na nga masyadong nakakascore saming dalawa dahil parehas kaming ayaw magpatalo, nanatili ang score sa seventeen all. Hanggang twenty lang ang score.

Nagtawag ako ng time out dahil sa sobrang pagod ko. Pumayag naman sya at halos sabay kaming naupo sa semento. Hingal na hingal ako, parang kinakapos na ako sa hangin. Nanginginig na nga din ang mga binti ko dahil sa kakatakbo namin. Ilang oras na ba kami naglalaro? siguro mahigit isang oras na.

Melting Ice Princess 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon