Chapter 32

16.2K 578 228
                                    


Zoe's POV

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya. 

"Bakit? ikaw lang ba pwedeng pumunta dito?" masungit na sabi nya. Napangiwi ako. Hindi na kami ganon ka-okay kaya hindi ko sya kayang sagutin pa.

"Ikaw ba..." sumilip ako sa kanya. "..nagkumot sakin?"

Tumingin sya sakin sa gilid ng mata nya tapos sa harapan ulit. Hindi sya sumagot. Napayuko na lamang ako at napangiti.

"Wag kang ngumiti dyan, nakakairita." nagulat ako kaya napatingin ako sa kanya pero hindi sya nakatingin sakin. Paano nya nalaman na nakangiti ako?

Biglang kumidlat at humangin ng malakas sa labas. Sobrang lakas ng bagyo ngayon. Sa tingin ko mababasa ako nito sa ulan kapag bumalik ako sa dorm at panigurado magkakasakit ako.

Tumingin ako kay Alexa. Tahimik lang sya na nakatingin sa harapan. Dalawang tao ang pagitan naming dalawa.

Napapaisip talaga ako kung ano ang ginagawa nya dito sa gym. Nagulat ako na matantong sya pala ang kasama ko. Bakit kaya sya nandito.

Biglang kumulo ang tyan ko. Hindi pa pala ako kumakain, kaso ang lakas ng ulan sa labas. Mukhang magtitiis ako sa gutom. Napahawak na lamang ako sa tyan ko. Tiis tiis muna.

Tumayo si Alexa na pinagtaka ko.

"Saan ka pupunta?" tanong ko sa kanya na bumaba sya ng stage. "Teka, babalik ka na sa dorm? ang lakas ng ulan ah?"

Hindi nya ako sinagot naglakad sya kung saan hanggang sa hindi ko na sya makita dahil madilim. Napabuntong hininga ako. Mukhang ayaw nya akong makasama.

Hindi ko alam kung susunod ba ako sa kanya o hindi. Baka kasi magalit sya pero nag-aalala naman ako sa kanya.

Pero napagdisyunan kong sundan sya. Patayo palang ako nung marinig ko ang mga yabag at ilaw na nanggaling sa flashlight. Napansin ko na hawak 'yon ni Alexa.

Bumalik sya.

At may dala syang bag sa likuran nya. Nagtaka ako kung bakit may dala syang bag. Napaayos ako ng upo nung ilapag nya sa tabi ko ang bag na dala nya at umupo sa harapan ko. Nailang ako kaya napayuko ako.

May kinuha si Alexa sa bag na dala nya. Dahil nakayuko ako ay nakita kong nilapag nya ang isang tupperware sa sahig tapos isang kutsara at tumbler.

"Kumain ka na." napaangat ang tingin ko sa kanya.

"Huh?" napatanga ata ako sa sinabi nya.

Inirapan nya naman. Nakita ko 'yon dahil sa liwanag ng flashlight. Ang taray talaga nito.

"Kumain ka na, nagugutom ka na 'di ba?" umayos sya ng pwesto. Nasa pagitan na namin ngayon ang bag nya.

"Sakin na 'to?" tanong ko.

"Hindi ko sasabihing kumain ka na kung hindi sayo yan. Tsk..stupid talaga." bulong lang yung huli pero narinig ko pa din. Napakamot ako ng ulo ko.

Kinuha ko ang tupperwear at binuksan. Goto pala ang laman. Sinimulan ko ng kumain. Hindi na ganon kainit pero masarap pa din siguro mas masarap ito kapag mainit pa. Tamang tama sa panahon.

"Ahh...gusto mo?" tanong ko sa kanya pero hindi sya sumagot. Napabuntong hininga ako.

Hindi na nga pala kami ganon ka-okay. Hindi purkit kinakausap nya ako kanina ay ibigsabihin non ay okay na ulit kami. Sa tingin ko hindi na mababalik pa sa dati ang turingan namin dahil miski ako, naaawkwardan na sa kanya. Pagkatapos ko syang saktan.

Hindi ko inubos ng goto. Itinabi ko ulit 'yon.

"Bakit hindi mo inubos?" nagulat ako na bigla syang magsalita.

Melting Ice Princess 2Where stories live. Discover now