Chapter 27

15.7K 526 202
                                    



Zoe's POV

"Nasaan ang mga seniors?" tanong ko sa mga kasamahan kong rookies na nanonood sa sala. Wala akong nakita kahit isang seniors dito kaya hinahanap ko sila.

"May meeting sila, palapit na ang Winter Cup kaya nag-uusap usap sila." sagot ni Russel.

Oo nga pala malapit na ang Winter Cup, siguro naman male-less ng konti ang paghihirap namin sa training dahil kailangan nilang magpractice sa Winter Cup. Baka gusto nilang matalo ulit kanila Ate Kill?

Tumingin ako sa kanila, nanonood sila ng isang movie na hindi ko alam ang pamagat. Naghanap ako na mauupuan. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko na makitang sa tabi lang ni Alexa ang bakante. Nagdadalawang isip tuloy ako kung uupo ba ako sa tabi nya o hindi. Nagmo-move on na sya. Hindi na dapat ako lumalapit sa kanya.

Hinanap ko na lang si Japan, nasa tabi nya si Ivy at Kiara. Napangiti ako dahil hindi nya katabi si Louise. Mabuti naman sumusunod sya sa usapan.

"Bakit hindi ka umupo?" tanong ni Nikki. Ngumiti ako. Saan ako uupo bukod sa tabi ni Alexa?

"Hindi, ayos lang ako." sagot ko.

"Ayaw mo lang umupo kasi katabi mo si Alexa." sinamaan ko ng tingin si Jayden. Nanahimik yung tao. "Oops."

Nailing ako. Lalabas na lamang ako para makaiwas sa awkward atmosphere pero bago ako lumabas, tumingin ako kay Japan, nahuli ko syang nakatingin kay Louise. Kainis talaga ng bansang ito. 

Lumabas ako ng dorm. Tumingin ako sa paligid kung saan pwedeng pumunta lalo na ngayong rest day. Naisipan kong bahala na kung saan mapapadpad ang mga paa ko.

Habang naglalakad nag-iisip ako na pwedeng gawin para ligawan si Japan. Never pa kasi ako naka-experience manligaw, ako kasi yung nililigawan eh at madalas walang ligawan na nangyayari.

"Hmmm...ano bang pwede?"

Tumigil ako sa paglalakad nang mapapadpad ako sa isang puno. Maaliwas at mahangin sa lugar na ito. Nakakarelax. Tumingin ako sa puno at may nakita akong dalawang pangalan sa puno. Natawa ako.

"Ang cheesy naman nila Ate Kill."

Nakaukit ang pangalan nila Ate Kill at Ate Avey sa puno tapos may heart pa. Ang cute lang nila.

Mukhang ito pa ang favorite place nilang dalawa dahil pinangalanan na nila ito.

Umikot ako sa kabilang side ng puno. May nakita akong mga letra. Napansin ko na alphabet letters pala ang mga nakaukit, mula A to Z.

"A to Z.." sambit ko. Hinawakan ko ang puno habang pinagmamasdan ang mga letra.

Umalis na ako sa lugar pagkatapos ng ilang minuto. Bumalik ako sa dorm. Nadatnan ko sila na pinagtatawanan si Torey na may suot sa VR box sa ulunan. Nakikita sa tv kung ano yung nakikita ni Torey sa VR box. Isa 'yon horror game.

Kaya pala takot na takot itong si Torey tapos tuwang tuwa naman ang mga ito sa reaction nya.

"Tangna ano 'yon?!" sigaw ni Torey tapos niyakap pa ang sarili nya. "Gago!!"

Tawang tawa naman ang mga tao dito bukod sa dalawang napapangiti lang. Natawa na din ako dahil nakakatawa talaga yung itsura ni Torey. Yung iba nga samin mga rookies halos mapahiga na kakatawa.

"Ayoko na! Tama na! Waah! Wag kang lalapit tangna mo!" ang lalakas na ng tawa namin dahil kay Torey. Ang sakit na ng tyan ko.

Mas lalong kaming natawa nung tumalon si Torey at natumba sa sahig tapos panay pa ang sigaw nya habang tinatawag ang mama nya. Bwisit. Sobrang sakit na ng tyan ko kakatawa. Napaupo na ako sa sahig dahil hindi ko na kinaya pang tumayo habang tumatawa.

Melting Ice Princess 2Where stories live. Discover now