Chapter 34

15.7K 555 252
                                    


"Merry Christmas!!" sigaw naming lahat. Nandito kaming lahat sa gym. Dito naming ginanap ang pagcelebrate ng pasko.

Nasa gitna ang binili naming christmas tree ni Japan na napapaligiran ng sobrang daming regalo. Kung ilang kami dito times non, kaya hindi nakakapagtataka na sobrang daming regalo sa ilalim ng christmas tree.

"Okay buksan na ang mga regalo!" sigaw ni Ate Maybelle at naunang kumuha ng regalo. Sumunod naman yung iba sa kanila. Yung iba naman samin na hindi sumunod ay natatawa lang sa mga kumuha ng regalo at pinagsisira ang gift wrapper. 

Pinanood namin silang matuwa at sumimangot kapag nakikita nila ang laman ng binuksan nilang regalo.

"Ano 'to Joey?!" sigaw ni Ate Anya. "Suklay?!"

Natawa kaming lahat kay Ate Anya.

"Hindi ka kasi nagsusuklay kaya naisipan kong regaluhan ka ng ganyan." sabi ni Ate Joey. Lalo kaming natawa sa sinabi nya. Minsan kasi ang gulo ng buhok ni Ate Anya.

"Waah! walangya ka Aj!!" sigaw ni Nikki. Nagtaka kami kung ano ba 'yon. Tawang tawa naman si Russel na itinaas ang laruang daga.

"Ano ba yang pinagbibigay ninyo. Puro kayo trip." naiiling na sabi ni Ate Ella.

"At least ito hindi. Thank you Zoe!" sabi ni Louise. Binigyan ko kasi sya na isa nyang paboritong jacket ng Shakers.

Lumapit ako sa mga regalo. Hinanap ko yung sakin. May nakita naman ako kaso galing kay Aj. Hindi ko tuloy alam kung bubuksan ko ba o hindi. Baka trip na naman 'to. Pero napagdesisyunan kong buksan na lang.

"Seryoso Aj?!" napasigaw ako nung makita ko ang nilalaman ng box na galing kay Aj. Nakangiti naman sakin si Aj.

"Wow! trip to Japan! hanep richkid si Aj, may paticket pa sa Japan." sabi ni Jayden. "Pero bakit yung kay Nikki ang panget ng regalo mo?" 

"Oo nga! kay Zoe, trip to Japan tapos yung sakin!" inarteng sabi ni Nikki. Natatawa naman yung ilan samin.

"Hindi ko ata magagamit 'to. Alam mong hindi tayo pwedebg umalis ng camp." sabi ko. "Pero salamat pa din dito. Siguro ibibigay ko na lang 'to kanila Mama para makapag-relax naman sila." lalo na si kuya.

"Ang bait naman." sabi ni Jayden. Ngumiti naman ako. Hindi ko naman talaga magagamit ang ticket ni Aj.

"Hoy Maybelle! Kanina lang nasa mga regalo ka bakit nandyan ka na at kumakain?" natawa kaming lahat nung makita si Ate Maybelle na kumakain sa harapan ng mga pagkain.

Nagkasiyahan kaming lahat hanggang alas tres ng umaga. Hindi naman namin binuksan lahat ng regalo dahil naglaro din kaming lahat. Hindi nga nawawala doon ang basketball tapos lahat ng papremyo ay galing daw kanila Tito Kean. Ang gagara nga ng papremyo nila eh. Basketball na may pirma na mga sikat na basketbolista sa buong mundo lalo na sa NBA tapos may mga sapatos pa na may pirma din yung ilan na sikat NBA. Grabe ang lakas nila Tito Kean na nagawa nilang magpapirma sa mga sikat na player.

Matapos ang kasiyahan, lahat kami may mga bitbit na regalo. Yung iba nga babalikan na lang dahil sa sobrang dami at hindi kayang buhati ng isahan. Nakatatlong balik ako dahil isa lang naman yung binuksan kong regalo kanina.

Pagod na nilapag ko ang huling mga regalo na nakuha ko sa mga kasamahan ko. Si Japan nasa banyo, nakuha nya na din ang mga regalo na bigay sa kanya. And speaking of Japan. Hinanap ko ang regalo nya sakin kaso sa kasamaang palad wala akong nakitang Japan sa mga regalo, siguro ngayon nya palang ibibigay. May pabitin pa itong si Japan.

May naalala ako. Hinanap ko din sa mga regalo ang pangalan nya pero wala akong makita. Bagsak balikat akong sumandal sa higaan ko. Walang regalo sakin si Alexa.

Melting Ice Princess 2Where stories live. Discover now