Chapter 33

17K 574 172
                                    


Zoe's POV

Dalawang buwan na nakakalipas nung simula nung mag-umpisa akong magtraining sa boys. So far so tired! grabe parang laging bugbog ang katawan ko pagdating sa gabi. Hindi ko na maikilos at gusto ko na agad matulog.

Napapansin na nga ng iba na palagi akong wala sa rest day at pagkatapos magtraining. Nagtatanong na sila pero sinasabi ko lang na tumatakbo ako sa buong camp dahil gusto kong iimprove ang stamina ko. Buti na lang naniwala sila kaya hindi na nila ako masyado iniintriga.

Ngayon Christmas break wala kaming masyadong training dahil gusto daw ienjoy ang Christmas break pero ako hindi ko ineenjoy dahil nagtra-training ako sa boys. Tinuturuan na ako ni Kuya Nicolo ng 360 instinct hindi naman ganon kahirap dahil mabilis din ako tumingin sa paligid kapag ginagamit ko ang misdirection. Si Kuya Tristan din kahit masungit 'yon pinagtya-tyagaan akong turuan non sa pagtira ng bola. Sya ang palagi kong kapractice game pagdating sa pagtira ng bola. Out of 50, 20 palang ang pinakamataas na nasho-shoot ko sa kanya. Sa kanya ko din prinapractice ang mabilisan pag-release ng bola.

Si Kuya Kyle naman, ayun lagi pa din ako pinaglalaruan. Minsan trinatry kong gawin ang galaw nyang mabilis, sila Kuya Adam at Kuya Jake ang lagi kong kapractice game doon. Minsan din kalaro ko ang mga rookies ng boys. Close na close ko na nga ang mga 'yon. Puro sila kalokohan pero ang gagaling nila. Kasing galing nila sila Japan kaya kapag natatalo ko sila feeling ko natatalo ko na din sila Japan, kaso minsan nga lang mangyari.

"Wow, himala nandito ka." tumingin ako kay Louise. Wala akong training sa boys ngayon kaya nandito ako sa dorm. "Lagi kang wala dito kaya nakakapagtataka na nandito ka ngayon." Umupo sya sa tabi ko.

"Rest day naman syempre. Minsan lang makapagpahinga eh." sabi ko. "Nga pala, kamusta kayo ni Torey?"

"Okay naman." sagot nya. "Feeling ko gusto nya na ako." bigla syang ngumiti na parang aso. Ngumiwi ako.

"Feeling mo lang 'yon." sabi ko sa kanya pero nakatanggap ako ng hampas sa kanya. Nakalimutan ko, volleyballista pala ang taong 'to.

"Ang sakit huh." sabi ko habang hinihimas himas ang braso ko.

"Epal ka kasi eh. Ayaw mo na lang ako supportahan na makamove on sayo yung tao." sabi nya.

"Hindi pa ba sya nakakamove on sakin? Apat na buwan na kayo ah." sabi ko sa kanya. 

"Hindi naman ganon kasi kadali 'yon. Sige nga, matanong kita. Ikaw ba nakamove on na kay Alexa?"

"Hoy hoy hoy. Wala naman ganyanan nanahimik yung tao eh." minsan talaga hindi marunong kumatok 'to.

Simula din nung araw na 'yon bumalik sa hindi pagpansin sakin si Alexa, kinakausap nya lang ako tungkol sa laro pero tipid pa. Namimiss ko na nga ang mga labi nya eh, kapag ganon hinahalikan ko si Japan para naman mawala yung pakamiss ko sa mga labi nya. Yung pagkamiss ko sa mga labi ni Alexa napapalitan ng pagkaadik sa labi ni Japan eh. At sobrang saya ko naman na hindi sya umaangal o tinutulak ako, mabuti na lang tumutugon din sya.

Kami ni Japan nagiging malapit na din na feeling ko nga may gusto na din iyon sakin kaso aamin ba ang isang 'yon? pero ayos na din dahil minsan kasi parang kami na. Minsan magkaholding hands kami kapag kaming dalawa lang, lagi din nya ginawang unan ang lap ko kapag nagpapahinga kami. Nagyayakapan din kami pero kapag nasa kwarto lang kaming dalawa. Kadalasan na sweet moment namin ay kapag lagi kaming nasa kwarto na kaming dalawa lang. Nahihiya ata sya kapag may kasama kaming iba.

"Zoe." tumingin ako sa likuran ko na may tumawag sakin.

"Japan!" masiglang sabi ko at tumayo para lapitan sya.

Melting Ice Princess 2Where stories live. Discover now