Malabo pa sa Sabaw ng Pusit

233 8 2
                                    

Pork Barrel na tanging kongresista lamang ang nakikinabang? Impeachment trial na hindi matapos-tapos? Ang mga pulitiko na lumalabas lamang sa tuwing eleksyon? Mga botanteng handang ibenta ang kanilang mga boto? At mga kabataan na tanging mga celebrity crushes nila ang kanilang nireresearch?

'Uunlad pa ba ang bansang ito?' tanong ko sa aking itay.

'MALABO PA SA SABAW NG PUSIT!' sabi ni Itay.

+++++

Marami nang pinagdaanan ang ating bansa. Simula sa pagiging alila sa mga dayuhan, hanggang sa ngayon na nagpapaalipin pa din sa mga dayuhan. Kung dati sila ang pumunta dito sa ating bansa para sakupin at gawing tayong alipin. Ngayon tayo na ang pumupunta sa ibang bansa para magpa-alipin. Kung dati, pumunta sila dito para kunin ang ating yaman. Ngayon naman ay pumupunta tayo sa kanila para swelduhan ng kanilang yaman.

Dumagsa ang dami ng mga Pilipino sa ibang bansa dahil sa, wala na silang kasiguraduhan kung aakyat pa ba ang estado ng kanilang buhay kung dito sila sa bansa magttrabaho. Masisisi ba natin sila? Ako. hindi. Dahil kung hindi lang ako takot sumakay ng eroplano at barko, malamang pag nakapagtapos ako ng pag-aaral doon din ako tutungo para mag-hanap ng trabaho.

Wag na tayong magpaka-plastik pa, tanggapin na natin na hanggang ngayon ay hirap pa din sa pag-ahon ang bansa. Kung sakali man na si P-Noy nga ang solusyon, kulang siyam na taong panunungkulan niya para linisin ang dumi ng ating bansa. Hindi lamang mahihirap ang nangingibang bansa, pati na din ang mayayaman, ngunit iba naman ang kanilang dahilan. Mas gusto na nilang doon na mismo manirahan dahil sa kalabuan ng bansang ito. Ano pa nga ba ang mapapala nila dito?

Nakakatawang isipin na baka balang-araw ay matakot na din ang mga dayuhan na pumunta dito. Hindi dahil sa matatapang tayong mga Pilipino, kundi dahil sa kaguluhan na nakatanim dito sa ating bansa. Ano pa nga ba ang sasakupin nila kung tayo-tayo mismo ay nagsasakupan na? Mga senador na nag-aaway-away dahil sa pera, mga local government na nagpapatayan makuha lang ang posisyon at pati yung nananahimik na wheelchair ginamit, para gawing alibi makalusot lang sa nagawang kasalanan. Mapapakamot nalamang ang mga dayuhan pati ang mga dating bayani sa kung anung meron ngayon sa ating bansa.

Jose Rizal: Kamust na ang Pinas?

Pinoy: Busog po.

Jose Rizal: Busog saan?

Pinoy: Sa kurakot, judicial killings, mga hipokritong pulitiko, at political dynasty.

Jose Rizal: (Facepalm)


Malabo pa sa Sabaw ng PusitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon