Judges: The Immortal Ones

740 22 23
                                    

Kabilugan ng buwan nang sila ay lumabas at pumunta sa lugar na binansagang The Laboratory. Suot nila'y maiitim na kapa, na s'yang nagtatago sa kabuuan ng kanilang mga mukha.

Buhat ng dilim, maaaninig pa rin ang tatlong pares ng mga paa na walang tigil sa paggalaw; hindi mapakali at parang may hinihintay.

Alam na nila ang mangyayari. Alam na alam. Sapagkat sila ang nauna, sila rin ang s'yang mangunguna.

Makalipas ang ilang oras nakarinig sila ng ingay. Mga papalapit na yabag at mga nagtatakbuhan. Pabilis nang pabilis na para bang buhay nila ang nakasalalay sa sandaling mahuli sila. Naging hudyat naman ito kaya't biglang napatayo ang tatlo.

Dumating na ang mga taong handang kalabanin ang doktor. Dumating na sila bitbit ang kanya-kanyang sandata. Pero epektibo nga kaya ito sa tatlong aninong naghihintay sa kanila sa dulo?

Mas madugo. Mas mahirap. Iyon ang dapat na asahan sa labang ito kaya marapat lang na ang makakapasok ay kayanin ang mga hamon.

Isa ka kaya sa kanila?

P'wes, handa ka na nga bang harapin sila?

Binansagang Immortals matapos malampasan ang mga outbreaks. Gamit ang kanilang natatanging istilo, nagawa nilang iangat ang sarili sa pamamagitan ng mga salitang nabuo. Sapat lang, kaya sila ang tinaguring panalo.

Hindi naman na sila nagsayang pa ng oras nang makita ang mga papalapit na mukha. Kaya't bilang paghahanda, isa-isa nilang inalis ang kanilang suot na kapa.

Sa singkit na mata ni Sektha, mag-iingat ka, dahil kung gaano kasingkit iyon, ganon din niya nakikita ang maliliit na detalye sa isang akda. Hindi man nagsasalita, siguradong may napuna na 'yan. Madalas din niyang gawing biro ang lahat, kaya't pati mukha ay naging biro na rin (peace). Pero hindi maikakailang sa likod niyon, nakakubli ang husay sa pagsusulat, lalo na sa kanyang mahiwagang diary.

Tulad namin, makikipagbiruan ka pa kaya sa singkit n'yang mata?

At kung himayan din lang naman ng salita ang pag-uusapan, subok na subok ang talento ni TECHKILLA. Para bang hawak n'ya ang mga ito kaya't walang kahirap-hirap niyang naibabagay ang lahat sa loob ng isang istorya. Tahimik lang 'yan, pero nagawa na pala n'yang paglaruan ang mga salita.

Makita nga kaya n'ya ang sarili sa isa sa inyo? Tingnan natin kung paano kayo makikipaglaro.

Hindi lang numero ang s'yang kinakalkula, at iyon ay pinatunayan ng tinanghal na pinakamataas na immortal na si Kyrian18. Bawat elemento ay sinisigurado niyang balanse, ang tema, genre pati na rin ang mga bagay na hinihingi una pa lang. Ang pagmamahal n'ya sa numero ay nakatulong dahil nagawa niyang iapply iyon dito. Hindi man nakuhang manguna sa ibang rounds, naging sulit ang lahat nang itanghal s'ya bilang pinakamagaling.

Maging tama nga rin kaya ang pagkalkula mo para makuha ang puso n'ya?

Iba't ibang personalidad pero iisa ang layunin.

Sino-sino nga kaya ang bagong makakapasok at magpapabilib, sino-sino nga kaya ang bagong mangunguna at magtatagumpay.

Goodluck, applicants!

-Team Baliw.

04/09/16

LITERARY OUTBREAK: Fight or Die One-Shot Writing ContestWhere stories live. Discover now