Final Phase: Of Dreadful Beauty Results

269 18 31
                                    

Final Phase: Of Dreadful Beauty Results

Magandang umaga, Martyrs!

Kumusta? Buhay pa ba kayo? Hindi namin alam ang sagot, pero alam naming nabaliw na rin kayo. Kaya naman ihahandog na namin sa inyo ang matagal nang nagpapapawis ng inyong mga palad, at naghahatid ng kaba sa inyong dibdib. Ang resultang matagal niyo nang inaabangan.

Heto na! Sandali lang pala. Pagpasensyahan niyo na, pero nais muna naming ihatid ang aming pasasalamat. Maraming salamat sa lahat ng lumahok sa Literary Outbreak: Survive or Die Season 2. Maraming salamat sa lahat ng naging hurado na nagtyagang magbasa at magbigay ng pahayag na tumulong sa lahat ng Martyrs. Salamat sa mga mambabasa. Salamat sa limang kalahok na ipinagpatuloy ang laban hanggang sa huli. Salamat rin kay Doc sa walang sawang pagmamanman.

Heto na. Heto na talaga!

Ikinagagalak naming iprisinta sa inyo ang mga nagwagi sa munti naming patimpalak. Sabayan niyo kami sa aming malakas na pagpalakpak, at panuorin natin ang pagligo ng mga nagwagi sa confetti!

Simulan natin sa Rank 5!
Congratulations, @AngHulingBaylan! na may likha ng Super V, na nakakuha 77.49 mula sa mga hurado.

Rank 4
Congratulations, @jayvill08! na sumulat ng Asul Na Apoy, na siya namang nakakuha ng 79.03 mula sa mga hurado.

Rank 3
Congratulations, @Lena0209! ang manunulat sa likod ng akdang Epitome, na may markang 83.39 na kuha mula sa mga Comedians.

Rank 2
Congratulations, @Maccheb! na siyang naghatid ng kwentong Serinea, na nakakuha naman ng markang 85.15 mula sa mga Comedians.

At ang Rank 1! Ang Champion ng LO: Season 2!
Congratulations kay @SayuriMa! na siyang nagpahanga sa 'tin sa pamamagitan ng kaniyang akdang Bampira, Kagatin Mo Ako na siyang binigyan ng mga komedyante ng markang 85.89!

Muli, maraming salamat at mabuhay kayo! Ipagpatuloy niyo ang pagsulat at isabuhay ang literatura! Paki bigay rin po sa amin ang contacts details niyo para sa pagpaladala ng inyong mga premyo.

Full Name:
Address:
Cellphone No.:

Paki send po sa FB Page ng LO. Salamat.

Isang yugto na naman ang nagwakas para Team Baliw. Abangan ang mas magulo, mas madugo, mas brutal, at mas nakakabaliw pa naming pakulo. Hanggang sa muli!

-Team Baliw
10/18/2016

-Team Baliw10/18/2016

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
LITERARY OUTBREAK: Fight or Die One-Shot Writing ContestWhere stories live. Discover now