Judges: The Comedians

356 16 11
                                    

MAGANDANG GABI!

Bago pa man dumating ang araw na ito, naganap ang isang laro sa laboratoryo ni Doc patungkol sa bilang ng mga hurado. Sigurado man kayo o hindi sa mga ibinato ninyong sagot, sabay-sabay na nating alamin iyan ngayon. Pumasok nga ba sa banga ang mga hula ninyo?

At ngayon, aming ipinapakilala sa inyo ang mga Comedians na dapat ninyong kumbinsihing kayo ang siyang nararapat sa titulo bilang isang Champion para sa season na ito.

Sila ay sina...

Comedian #1
Sacchii

1. Ipakilala ang iyong sarili.

-Ako'y isang manunulat na ang hilig ay pagpantasyahan ang mga pang out-of-this-world na genre. Isa akong comic artist, daydreamer, otaku at nocturnal reader. Asawa ni Usui, kabit ni Jong Suk. Isang Studyante at mangangarap. Sa unang tingin, ako'y masasabihan na maligalig, kaya kapag magaling ka, tiyak na ika'y aking hahangaan at susuportahan kita hanggang sa dulo. Gano'n ako ka-supportive kaya sana'y galingan pa lalo ng mga contestant dito para mahirapan akong mamili sa inyo.

2. Ano ang hinahanap mo sa isang istorya?

-Ang hinahanap ko sa istorya? 'Yung original! 'Yung nakakawindang! Nakakapanindig balahibo! 'Yung tipong isang pangungusap pa lang ang nababasa mo ay tila para bang nasakop ka na ng istoryang binabasa mo. Mas maganda kung ito ay may 'plot twists' sa huli. Kasi kahit 'di man kagandahan ang panimula, bawing-bawi naman sa dulo.

3. Ano ang puwede mong maitulong sa mga kalahok?

-Ano ang pwede kong maitulong? Pwede kitang gabayan sa iyong pagsusulat, hindi man ako gano'n kahusay gaya nila Bob Ong, Marcelo Santos III at iba pa, masasabi ko naman na kaya kong matulungan ka sa iyong istorya. Kung may pagkukulang man na lasa sa iyong akda, 'wag kang mag-alala, lalagyan natin ng magic sarap 'yan!

4. Kung may maibibigay kang hamon sa kanila na patungkol sa temang beauty, ano iyon?

---

5. Ano ang advice mo sa kanila?

-Ang maipapayo ko lang ay sa umpisa pa lang na isusubmit ninyo ang inyong mga entry, siguraduhin ninyong perfect na 'yan! Na iyan na ang pinakamaganda mong magagawa. Kasi sa umpisa na magpasa ka, itong entry na 'to agad ang pagbabasehan kung gaano ka kagaling bilang isang author. Tiyakin na wala nang masyadong grammatical errors at wrong spellings, iwasan ang mga emoji's dahil hindi ito nakadadagdag ng ganda sa literatura mo. 'Pag nagsusulat ka ng kwento, isipin mo na ikaw ang bidang gumaganap, isipin mo na "papaano kung ako 'yung nasa kondisyon niya? Ano bang gagawin ko?" Kailangan 'pag may istorya kang naisip, planado mo na ang umpisa, gitna at dulo nito. Napanghihinaan ka man ng loob tapusin ang iyong gawa, 'wag kang mag alala! Maraming inspirasyon sa paligid! Use them as a weapon for you to write, write and write.

Comedian #2
DyosaMaldita

1. Ipakilala ang iyong sarili.

-Dyosa Maldita

2. Ano ang hinahanap mo sa isang istorya?

-There are two kinds of stories that could catch my attention and pique my interest. One is with a plot that I have never seen from any literary piece before. Another is with a clichéd plot, but could keep up the flame of my interest burning.

But what really matters-the story should come from the writer's own literary creation and passion.

3. Ano ang puwede mong maitulong sa mga kalahok?

LITERARY OUTBREAK: Fight or Die One-Shot Writing ContestWhere stories live. Discover now