Judges: The Travellers

267 12 3
                                    

Oras na lang ang hihintayin, matatapos na naman ang pasahan. Kabilang ka nga kaya sa labing dalawang prenteng nakaupo na sa malambot nilang mga sofa? O isa ka sa mga natitirang hindi magawang bumitiw sa keyboard dahil lagot ka kapag hanggang ngayo'y hindi mo pa rin ginawa? Alin man sa dalawa, ikaw na ang bahalang humusga. Basta ang mahalaga'y makita namin ang pinaghirapan ninyo bago matapos ang araw na ito.

Katulad ng nakasanayan, aming ipinapakilala ang anim na manlalakbay na siyang huhusga sa kapalaran mo kung karapat-dapat ka pa nga bang magpatuloy. Sila ang kailangan ninyong madala sa bawat lugar na inyong ginawa. Kilalanin sila sa pamamagitan ng mga nakasulat sa ibaba.

Traveller #1: lamaw_007

1. Ipakilala ang iyong sarili.

- Hindi ako published author. Wala akong libro. Mahilig lang akong magsulat ng mga kwento at tula. Malamang masabi n'yo na hindi naman pala ako sikat o kilala. Ngunit hindi batayan ang pangalan upang hindi maging marunong gumawa ng kwento at maging hurado.

2. Ano ang hinahanap mo sa isang istorya?

- 'Yung may maganda, unique at makabuluhang plot. 'Yung malinaw ang pagkakalahad ng kwento, at may mensahe para sa mga mambabasa. Hindi kailangan na malalalim na salita ang gamitin, hindi kailangan na puro english, ang mahalaga ay ang flow ng kwento, 'yung masasabik akong basahin hanggang wakas nito.

3. Ano ang puwede mong maitulong sa mga kalahok?

- Siguro 'yung motivation. Kailangan 'di sila panghinaan ng loob sa pagsusulat, lalo kung may magbibigay ng kritisismo.

4. Kung may maibibigay kang hamon sa kanila na patungkol sa temang isolation, ano iyon?

- Magsulat ng isang maikling kwento na naglalahad kung bakit madalas gusto ng isang tao ng isolation.

5. Ano ang advice mo sa kanila?

- Tulad ng lagi kong sinasabi, sulat lang nang sulat, ngunit matuto din tumuklas ng mga paraan o tips upang mag-improve sa napiling genre na isinusulat. Huwag matakot magtanong. Mag-research. Sumali sa mga writing workshop o Facebook groups na makakatulong upang umunlad sa pagsusulat. Panghuli, huwag susuko. Gamiting inspirasyon ang mga negative feedbacks upang maging successful.

Traveller #2: ErvicSangel

1. Ipakilala ang iyong sarili.

- Ako si Ervic Sangel - freelance writer/public speaker, part time Professor sa Centro Escolar University Manila at full time Senior Software Engineer sa Sandstone Technology Philippines Inc.

2. Ano ang hinahanap mo sa isang istorya?

- Ang hinahanap ko sa isang istorya ay ang substance ng kuwento. Kinakailangan na malaman ito at informative kahit na fiction. Mas maganda kasing tama ang mga relevant information na inilalahad nila. Hinahanap ko rin ang impact nito sa mambabasa at ang kaayusan ng flow ng story.

3. Ano ang puwede mong maitulong sa mga kalahok?

- Maaari akong magbigay ng advice patungkol sa diction at grammar at kung paanong magiging maayos ang flow ng story.

4. Kung may maibibigay kang hamon sa kanila na patungkol sa temang isolation, ano iyon?

- Kinakailangan na hindi cliché ang scenario. Something new and original. Hindi man maiwasan ang mediocrity, lagyan sana nila ng plot twist na talagang mapapaisip ang mambabasa. Iwasan din sana ang mga predictability ng story at characters.

LITERARY OUTBREAK: Fight or Die One-Shot Writing ContestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon