Isang Paanyaya

2.5K 126 18
                                    

Open-minded ka ba?

Nagsusulat ka ba?

Gusto mo bang tumanggap ng rebyu sa iyong pagsulat? Gusto bang mas humusay pa? Gusto mo bang lumabas sa kahon ng pagsulat at lumaya?

Gusto mo bang lumahok sa isang libreng writing workshop na picnic mat, meryenda, pamasahe, at lakas lang ng loob ang bitbit?

AT kaya mo bang sumulat ng isang maikling nobela na may haba na 12,000 - 20,000 na salita sa loob ng isa't kalahating buwan?

Lumahok sa kauna-unahang arangkada ng Writing War. Ito ay isang proyekto na matagal ko nang gustong simulan para makatulong sa mga na-in love sa pagsulat; na-in love, nasaktan, nag-move on pero gustong bumalik uli sa pag-ibig ng pagsulat; naadik sa pagsulat at wala nang lunas; naadik sa pagsulat at ayaw sumuko; at sa mga gustong magmatapang at magsulat kahit na ano ang mangyari.

Ang Writing War ay naglalayon na umagapay sa mga manunulat na nakikidigma sa kanilang mga sarili para matapos ang kanilang mga akda; nakikidigma sa mga mambabasa para ipaglaban ang kanilang akda; at nakikidigma sa malaki at malawak na industriya ng publikasyon para magkaroon lang ng kahit na maliit na pwesto sa mga libruhan.

Ito ay isang ladder-based contest kung saan may hagdang dadaanan ang mga lalahok bago marating ang WAKAS ng kanilang kwento.

Ito ay may libreng writing workshop bago magsimula. Pwede kang lumahok sa workshop kahit na biglang magbabago ang isip mo at hindi ka naman talaga tutuloy sa contest proper.

Ito ay kawanggawa, serbisyo-publiko, at wagas na pag-ibig. Lels.

Sasali ka na? Lumipat sa susunod na pahina! :) 

Writing War 01 (Short Novel Writing Contest)Where stories live. Discover now