Huling Yugto (Partial Results)

247 19 13
                                    

Magandang araw!

Oups ! Cette image n'est pas conforme à nos directives de contenu. Afin de continuer la publication, veuillez la retirer ou télécharger une autre image.

Magandang araw!

Nasa huling yugto na tayo ng Writing War. Sa dalawampu't apat (24) na nakatapos ng kanilang mga maiikling nobela, binabati ko kayo. Alam kong mahirap tapusin ang inyong mga sulatin lalo na kung may hangganan o deadline na itinuring. Tayo mismo, binubulungan ng ating mga demonyo para magpalipas ng oras at magpabaya ng tsansa. Ito mismo ang puso ng Writing War--ang giyera kalaban ang ating mga sarili.

Sa ngayon ay nasa gitna pa rin ng pagsusuri ang mga akda. Mula sa dalawampu't apat, naibaba na sa labintatlo ang bilang ng mga kwentong nasa evaluation. Sampu lang dapat ang hinahanap naming finalist pero naging mahigpit ang labanan.

Mula sa araw na ito ay padadalhan ng mensahe via email ang mga nakapagpasa upang iparating ang estado ng kanilang mga akda.

Ang announcement ng winners sa kauna-unahang Writing War ay sa March 15, 2017.

Sa labintatlong natitira, congratulations.

Sa labing-isang hindi pinalad, gawin ninyong pagkakataon ito upang mas mapaunlad pa ang inyong mga sarili at ang inyong mga panulat. Hindi nagtatapos sa Writing War ang inyong abilidad. Hindi nagtatapos sa wattpad ang inyong oportunidad. Ang inyong panulat ay kasinglaya ng inyong imahinasyon. Kayo ay kasinglaya ng inyong paniniwala.

Kaya, sulat lang nang sulat! ^__^

Writing War 01 (Short Novel Writing Contest)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant