Ikalawang Baitang : Chapter ONE

1.2K 53 29
                                    

Maraming salamat sa 316 na kwentong inyong inilahok sa Unang Baitang (Phase 01) : Teaser o Synopsis ng Writing War 01 (WW1). 

Sa 316 entries, 86 lamang ang tutuloy sa Ikalawang Baitang (Phase 02) para sa pagsulat ng Chapter 1. 

MGA DETALYE:

Ang mga nakapasa sa Phase 01 ay kailangang magsumite ng Unang Kabanata ng kanilang mga kwento. Kung ang kwento ay mayroong Prologue, isasabay ito sa pagpapasa ng unang kabanata. 

Ang Prologue (kung mayroon) at Chapter 1 ay ipapasa ng naka-word file at i-evaluate sa EMAIL LAMANG. Ipasa ito bilang reply sa email thread (sagutan ng email) ng Teaser o Synopsis na na-approve para madaling makita. 

Kung nanaisin, maaaring i-publish ng kalahok ang kwentong kanyang sisimulan sa kanyang wattpad account. PERO HINDI ITO MAI-EVALUATE KUNG HINDI IPAPASA SA EMAIL.

DEADLINE : Magkakaiba ang deadline na aking ibinigay sa bawat kalahok, depende sa kung kailan ko sinagot ang kanilang email. Please refer to email.

Ang ikalawang baitang o Phase 02 ay may grading system at may passing grade.

_____

Paraan ng pagsuri:

20 % - Linaw at linis ng pagkakasulat (kasama ang pagbabantas, pagsasatalata, atbp)
25 % - Creativity at hook ng opening
25 % - Cliffhanger sa dulo ng chapter
25 % - Impact
5% - Internet ethics o professionalism

PALIWANAG:

| Linaw at linis ng pagkakasulat

Siguruhing maayos ang pagsasatalata ng iyong kwento (paragraphing). Huwag maglagay ng sobrang espasyo sa pagitan ng mga talata. Pansinin din ang baybay (spelling) at bantas (punctuation) ng iyong isinusulat.

Huwag maging maligoy o mabulaklak sa paglalahad KUNG HINDI NAMAN KINAKAILANGAN. Huwag gumamit ng complex-complex-complex sentences. Basahin nang malakas ang iyong isinulat para malaman kung may tamang paghinga ang iyong mga pangungusap. 

Gawing kawili-wili ang iyong isinusulat. Isipin mo, kung pagod ang taong magbabasa ng iyong kwento, itutuloy niya kaya ang pagbabasa o hindi?

| CREATIVITY at HOOK ng opening

Ang unang mga pangungusap at unang mga talata ng iyong kwento ay dapat na bumuhay, kumiliti, kumalabit, at kumulit sa interes ng magbabasa. Isiping mabuti kung paano mo maiho-hook ang iyong reader na simulan AT ipagpatuloy ang pagbabasa ng iyong kwento. 

May mga mambabasa na matiyaga at magpapatuloy pa sa pagbasa hanggang sa ikalimang talata ng iyong kwento (o kahit hanggang Chapter 3). Pero may mambabasa, tulad ko, na sa unang paragraph pa lamang ay titigil na kung hindi interesante ang pagkakasulat ng simula. 

HOOK. Ito ang unang hininga ng kwento mo.

| CLIFFHANGER sa dulo ng Kabanata.

Cliffhanger ang kakalabit sa mambabasa para buklatin pa ang pahina tungo sa susunod na kabanata. Cliffhanger ang gumigising sa diwa at interes ng mambabasa para magbasa pa. Cliffhanger ang life support ng susunod na kabanata. 

Hindi kailangang may sumasabog na eroplano, bumabagsak na alien, binaril na kaanak, pinatay na kakilala, dugong dumadanak ng sinuman, o bombang malapit nang sumabog sa dulo ng kabanata na iyong isusulat. Pero kailangang ang dulo ng kabanata mo ay mag-iiwan ng tanong sa mambabasa.

"Ano'ng susunod na mangyayari?"

CLIFFHANGER. Ito ang life support ng susunod na kabanata.

| IMPACT

Nagsulat. Nagsulat. Nabagot.

IMPACT ang magsasabi sa'yo kung tama bang isinulat mo sa unang kabanata ng kwento mo ang mga isinulat mo. Kailan nagkakaroon ng impact ang isang kwento?

Kapag ito ay interesante. Kapag ito ay relatable. Kapag ito ay kapani-paniwala. Kapag ito ay kawili-wili. Kapag ito ay nakapag-iisip. Kapag ito ay nakagigigil. Kapag ito ay nangungulit. Kapag ito ay parang ex mo, na tapos na kayo at lahat, pero nangungulit pa rin sa'yo. Kailangan ng closure. Kaya bubuklat ka pa sa kasunod na pahina kasi kailangan mong malaman... ano ba talaga kasi ang nangyari?

IMPACT. Ito ang tibok o pintig ng kwento mo. Para magkatibok, dapat may PUSO.

| Internet Ethics

Malaki ang mundo ng pagsusulat. Maraming tao. Maraming oportunidad. Maraming pakikiharap. Kung sa email pa lang ay sablay na tayo makipag-usap, ano'ng aasahan natin sa harapan? 

If professionalism could be learned, let's start learning now. 

PASSING  GRADE : 80%

PARAAN NG FEEDBACK :

Muli, irerebyu ang inyong ipapasang SIMULA. Bibigyan ng notification ang mga nakapasa at bibigyan ng pagkakataong mag-revise ang mga may potensyal magpatuloy.

Sinumang for revision at makapagbalik ng isinaayos na SIMULA ay maaari pa ring makapasa para tumuloy sa Ikatlong Baitang.

Good luck mga kabayan! Sulat nang sulat!

- JEN

Writing War 01 (Short Novel Writing Contest)Where stories live. Discover now