Short Novel Contest Result

295 21 38
                                    

Dahil nakarating ka sa huling bahagi ng contest na ito...

Hindi biro ang pagsulat mo na may deadline, may requirements, at may inaabot na karangalan

Ops! Esta imagem não segue as nossas directrizes de conteúdo. Para continuares a publicar, por favor, remova-a ou carrega uma imagem diferente.

Hindi biro ang pagsulat mo na may deadline, may requirements, at may inaabot na karangalan. Hindi biro ang ginawa mong paghihintay. Hindi biro ang pressure na tiniis mo makatipa lang. Kung ako ang tatanungin, gusto kong ibigay sa inyo ang pinakamagandang uri ng premyo na maaari kong ibigay--ang mailibro ang lahat ng inyong kuwento. Ngunit ang layunin ng Writing War ay iangat ang inyong panulat hanggang sa antas kung saan 'publishable' na ang inyong nobela. Iyong antas na hindi lang basta mailibro ang isang kuwento kundi isang antas kung saan, walang kukuwestyon sa nilalaman at pagkakasulat ng inyong akda. Walang magsasabing kasama ang inyong nobela sa mga 'nakisabay sa agos ng wattpad' o 'nakiuso sa mga writing contest' at iba pang mga prejudice. Ambisyoso ang layuning ito; mahirap, pero hindi imposible. 

Natutuwa akong makakita ng mga manunulat na masipag sumali sa contest para mag-improve; ng mga manunulat na malaki ang potensyal sa pagsulat.

Ang TOP 13 na nakarating sa bahaging ito ay may kani-kaniyang kaangkinan at talento sa pagsulat. Ang ilan ay nakaabot sa bahaging ito dahil sa originality at freshness ng kanilang ideya; dahil sa execution na napili nila sa pagkukuwento; dahil nangahas sumugal sa isang hindi pamilyar na genre; dahil sa tinig ng kanilang panulat; at ang iba ay dahil sa purong talento. 

Pero tulad sa mga paligsahan, may mga aangat at may ilan na kailangan pang magsanay upang lalong humusay.

Narito ang scores ng Top 13 matapos bigyan ng grado ng ating pitong hurado:

Top 13
63.42 - The Story of our Ending

Top 12
64.57 - Mission to Mars

Top 11
65.71 - God's Last Words

Top 10
71.14 - A Countless Miss for the One that Hits

Top 9
74.85 - Ang Paghahanap sa Nawawalang Liwanag  

Top 8
75 - Madaling-araw 

Top 7 
75.28 - Blue Moon

Top 6
77.42 - Mga Bibig sa Tagiliran 

Top 5
79.57 - Back in Time 

Top 4
81.14 - Dunggot

AT ang tatlong nobelang nanguna sa kauna-unahang Writing War Project Short Novel Contest

Ops! Esta imagem não segue as nossas directrizes de conteúdo. Para continuares a publicar, por favor, remova-a ou carrega uma imagem diferente.

AT ang tatlong nobelang nanguna sa kauna-unahang Writing War Project Short Novel Contest...

Third Place
82.14 - The Prodigals

Second Place
85.14 - Tibok Galing Ilalim

FIRST PLACE
89.57 - Ang Sampung Pagkakamali ni Pablo

***

IPINAAABOT ko ang aking lubos na pasasalamat sa inyong pagtitiwala sa paligsahan na ito. Sana ay makita ko pa sa susunod ang mga manunulat na nabasa ko ang akda pero hindi pinalad. 

Sa tatlong nagwagi, pakihintay na lang ang email ko sa inyo sa linggong ito tungkol sa inyong premyo at sa pagsasaayos ng inyong nobela bago ito maging libro. 

MULI, CONGRATULATIONS sa lahat ng nagwagi! Congratulations sa Top 13 at gayundin sa lahat ng lumahok! Magkita-kita tayo sa susunod na taon para sa WW2 o Writing War Short Novel Season 2 contest. 

SULAT NANG SULAT, MGA KABAYAN!




Writing War 01 (Short Novel Writing Contest)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora