Sino ang pwedeng sumali?

1.6K 95 21
                                    

Sinu-sino ang mga pwedeng lumahok sa Writing War? 

1. Lahat ng mga undiscovered, amateur, at mga sumusubok pa lamang matuto na manunulat.

2. Lahat ng may pagmamahal sa sining ng pagsulat. Walang age limit.

3. Lahat ng may kakayahang sumulat ng 12,000 - 20,000 words na short novel sa loob ng isa't kalahating buwan.

4. Lahat ng may kakayahang tumanggap ng payo, pagwawasto, at kritisismo upang umunlad sa pagsulat.

Anong kwento ang maaaring ilahok?

1. Isang bagong nobela na isusulat pa lamang (idea pa lang) o nasa umpisang bahagi pa lamang ng pagsulat (hanggang Chapter 3 pa lang) na hindi lalagpas sa 20,000 words kapag natapos. Hindi maaaring ilahok ang isang kwentong naka-series. 

2. Alinmang genre ng isang sisimulang maikling nobela.

3. Alinmang sisimulang maikling nobela na isusulat sa purong Filipino o sa maayos na Tag-Lish. Hindi muna ako tatanggap sa season na ito ng mga akdang nasa English. 

Gaano kalaya ang iyong panulat sa Writing War 01?

MALAYA. Wala akong theme na ibibigay. Wala akong genre na ituturing. Wala akong ibabawal (SPG, gore, o aliens man). Anumang ideya ng kwento ay maaari mong isali.

Isa lang ang kailangan mong gawin at ng iyong kwento:

Blow me away. Make me interested. Catch my attention. Sa synopsis pa lang. Sa bungad pa lang ng kwento mo. ^_^

Writing War 01 (Short Novel Writing Contest)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ