Paano tayo magsusulat?

1.6K 74 89
                                    

Ang Writing War ay isang ladder-based contest. Ibig sabihin, kapag hindi kayo nakapasa sa isang baitang, hindi kayo makakasulong sa kasunod pa. Paano natin ito gagawin?

UNANG BAITANG - SYNOPSIS o TEASER
Deadline - October 25, 2016
Ipapasa sa email

Paraan ng pagsuri:

Linaw at linis ng pagkakasulat (kasama ang maayos na pagbabantas, pagsasatalata, at iba pa)
Creativity ng pagkakasulat
Originality ng ipinasang synopsis
Internet ethics o Professionalism (pagsunod sa instruction kung paano ipapasa ang synopsis at pananalita sa body ng email kung mayroon man)

PARAAN NG FEEDBACK :
Dahil isang bagong contest ang Writing War, ang lahat ng synopsis at teaser na ipinasa ay irerebyu ko. Sa review, agad akong magbibigay ng notification sa nakapasa at ibabalik naman for revision iyong mga may potensyal na kwento pero hindi nailahad nang maayos. Ang feedback ay gagawin ko ng Friday-Monday.

Sinumang for revision at makapagbalik nang maayos na synopsis at teaser ay maaari pa ring makapasa para tumuloy sa Ikalawang Baitang.

***

IKALAWANG BAITANG - Chapter One
Deadline - Abangan ang announcement
Ipapasa sa email

Paraan ng pagsuri:

Linaw at linis ng pagkakasulat (kasama ang maayos na pagbabantas, pagsasatalata, at iba pa)
Creativity at hook ng opening
Cliffhanger sa dulo ng chapter
Impact
Internet ethics o professionalism

PARAAN NG FEEDBACK :

Muli, irerebyu ang inyong ipapasang Prologue (kung mayroon) at Chapter 1. Bibigyan ng notification ang mga nakapasa at bibigyan ng pagkakataong mag-revise ang mga may potensyal magpatuloy.

Sinumang for revision at makapagbalik ng isinaayos na Prologue o Chapter 1 ay maaari pa ring makapasa para tumuloy sa Ikatlong Baitang.

***

IKATLONG BAITANG - Chapters 1 - 3
Dealine - Abangan ang announcement
Ipapasa sa email

Paraan ng pagsuri :

Linaw at linis ng pagkakasulat (kasama ang maayos na pagbabantas, pagsasatalata, at iba pa)
Creativity at hook ng bawat opening
Cliffhanger sa dulo ng bawat chapter
Pagpapakilala sa mga tauhan
Linaw ng setting
Foreshadowing sa conflict
Impact
Internet ethics o professionalism

PARAAN NG FEEDBACK :

Muli, irerebyu ang inyong ipapasang tatlong Chapters. Bibigyan ng notification ang mga nakapasa at bibigyan ng pagkakataong mag-revise ang mga may potensyal na magpatuloy.

Sinumang for revision at makapagbalik ng isinaayos na chapters ay maaari pa ring makapasa para tumuloy sa Huling Baitang.

***

HULING BAITANG - Buong kwento
Deadline - Abangan ang announcement
IPOPOST SA WATTPAD (naka-dedicate sa Writing War account ang unang chapter)

Paraan ng paggrado :

Creative delivery of the story - 25%
Originality of ideas used - 25%
Linaw at linis ng pagkakasulat - 20%
Unique writing voice / style - 20%
Overall Impact - 10%

PARAAN NG FEEDBACK :

Ia-announce ang tatlong kwentong magwawagi sa Writing War 01 at kakausapin thru email ang mga nagwagi.

***

PAALAALA :

Ang Writing War ay may dalawang layunin:

1. Makapagturo at makapaggabay sa panulat ng mga nagsisimula pa lamang.

2. Madiskubre ang mga may angking talento sa pagsulat at mabigyan ng katampatang pagkakataon na nararapat para sa kanila.

Ibig sabihin, hindi man pumasa o manalo sa contest na ito, hangad namin na matuto kayo. Handa kaming tulungan ang mga manunulat na gustong maging mas mahusay pa sa pagsusulat, kaya naman mahigpit ang pamantayan na aming gamit.

Malawak at malaki pa ang mundo sa labas ng wattpad. Mas mabangis at mas malupit din. Layunin naming tulungan kayong patalasin ang inyong panulat at mas patingkarin ang inyong sining upang makalaban sa mas mabangis at mas malupit na mundo ng pagsulat.

Adventure is out there! But it starts here. Kaya galingan natin! Sulat lang nang sulat! ^_^

Writing War 01 (Short Novel Writing Contest)Where stories live. Discover now