Huling Yugto (Criteria at Judging)

252 17 9
                                    

Ang mga akdang umabot hanggang sa huling parte ng paligsahan ay bibigyan ng grado gamit ang mga sumusunod na criteria:

25 points - Originality ng ideyang pinili

25 points - Mastery sa napiling genre at tema 

20 points - linaw at kinis ng panulat (distinct writing style)

15 points - linaw at linis ng pagkakasulat (technicalities)

15 points - Impact

TOTAL : 100 POINTS

***

May sampung judges na nag-e-evaluate ng mga akda. Lima ang nagsala para sa dalawampu't apat na akda at lima pa ang magbibigay naman ng puntos sa naiwang Top 13. 

Sila ay binigyan ko ng laya na bitawan o tigilan ang pagbabasa sa mga akda, anumang oras, sa sandaling hindi na interesante sa kanila ang kanilang binabasa. Pero, required sila na magbasa ng tatlo hanggang limang kabanata sa bawat akda bago tuluyang magbigay ng puntos.

Bakit ito ginawa?

Dalawampu't apat ang mga akda na may habang 12,000 hanggang 20,000 na salita. Taxing ito para sa mga judges lalo na kung marupok ang pagkakasulat. 

Isa pa, dumaan na kayo sa tatlong ulit na pagrerebyu (teaser, Chapter 1, Chapters 1-3). Kaya tiwala ako na lalampas sa tatlong kabanata ang kanilang babasahin. Mintina na lang ng interes ang kailangan ninyong ingatan sa loob ng inyong kabanata. 

Mahaba rin ang naging panahon ng pagsulat natin, bukod sa panahon mula nang ipasa ninyo ang inyong teaser. Nangangahulugan ito na nagkaroon ang bawat isa sa inyo ng pagkakataon upang limiin, pag-aralan, at suriin ang inyong sariling akda para sa mga kakulangan nito. Nagkaroon kayo ng oras na magrebisa at magsaayos ng inyong akda. May ilan sa inyo na kusang nag-rewrite ng nakapasa nang mga kabanata at talagang malaki ang improvement ng naging revision nila. 

Sa kabila nang lahat ng ito, kung may parte sa inyong akda pagkatapos ng ikatlong kabanata na hindi na interesting sa nagbabasa nito, nangangahulugan iyon ng karupukan na kailangang isaayos o kahinaan na kailangang palakasin. Ang word count na ibinigay sa bawat isa ay dapat na nagsilbing gabay upang maging masustansiya at kapaki-pakinabang ang bawat salita, pangungusap, at eksena sa inyong akda. No fluffy writing, kumbaga.

SUBALIT, ang lahat ng inyong mga akda ay kumpleto kong binabasa at binibigyan ng grado. Ipagtatanggol ko ang inyong mga akda sa mga judges kung sa tingin ko ay kailangan nilang mag-re-evaluate. 

Kaya muli, sulat lang nang sulat! ^__^ 


Writing War 01 (Short Novel Writing Contest)Where stories live. Discover now