WW Writing Clinic

274 19 10
                                    

Kasabay ng nalalapit na pagtatapos ng giyera sa pagsulat ng maikling nobela, magbubukas ang Writing Clinic ng Writing War. Ang Writing Clinic ay may layong magbigay ng libreng rebyu sa mga maiikling nobelang ipinasa bilang entry sa Writing War.

Narito ang sistema:

- Tanging ang mga akdang ipinasa lang muna sa Writing War ang eligible for admission.

- Ang rebyu ay hindi automatic. Ito ay kailangan ninyong i-request via email. Para mag-request, kailangan ninyong ipasa uli ang inyong kwento (chapters man ito o completed novel) bilang word file sa dati nating email thread. Pwede ring ipasa na lang ang wattpad link. Kapag ito ay akin nang natanggap, kayo ay bibigyan ko ng Queue Number.

- Ang rebyu ay gagawin online (live), sa facebook group ng Writing War Class (nasa profile ng Writing War ang link). Hindi babanggitin sa rebyu ang inyong pangalan maging ang titulo ng inyong akda, bagaman, maaaring mabanggit ang mga karakter at eksena sa inyong kwento. Tanging ang Queue Number na inyong matatanggap ang magiging palatandaan ninyo sa inyong kwento.

- Ang Writing Clinic ay bukas lamang isa o dalawang araw ng linggo kada buwan (one or two Sundays per month, depende sa higpit ng schedule ko). Magrerebyu lamang ako ng tatlo hanggang limang nobela per session (pwede kong dagdagan depende uli sa luwag ng schedule ko). Ang schedule ng rebyu at ang Queue number ng stories na irerebyu ay ia-announce sa Writing War facebook page at dito sa wattpad.

Karagdagang mga tanong:

T: Teaser lang po ang naipasa ko sa Writing War. Pero naisulat ko po ang ilang chapters ng kwento. Pwede po ba akong magparebyu?

S: Pwede. Ipasa mo lang ang chapters na naisulat mo na.

T: Teaser lang po ang naipasa ko sa Writing War. Hanggang ngayon po ay teaser lang siya. Pwede po ba akong magparebyu?

S: Hindi po. 

T: Chapter 1 lang po ang inabot ko sa Writing War. Hindi ko po nadagdagan ang kwento ko. Chapter 1 pa rin. Pwede po ba akong magparebyu?

S: Pwede po.

T: Chapter 3 lang po ang inabot ko sa Writing War. Hindi ko po ito nadagdagan at hanggang Chapter 3 pa rin hanggang ngayon. Pwede po ba akong magparebyu?

S: Pwede po.

T: Bubuksan nyo po ba ang Writing Clinic para magrebyu maging sa mga hindi sumali sa Writing War?

S: Maaari, pero hindi muna sa ngayon. Kasi, busy much.

T: Hindi ko pa po tapos ang kwento ko. Ongoing pa rin pero marami nang chapters. Pwede po ba akong magparebyu?

S: Pwede po.

Kung sang-ayon ka sa sistemang ito, mag-email na sa Writing War at kumuha ng Queue Number.

Sulat nang sulat! ^__^

Writing War 01 (Short Novel Writing Contest)Where stories live. Discover now