Story ranking

304 22 3
                                    

Narito ang ranking ng mga kwentong hindi umabot sa Top 13. Ang dapat na Top 10 ay naging Top 13 para bigyan ng pagkakataon ang ilang nobela na mayroong pantay-pantay na potensiyal at mayroong pagkakatulad sa ideya, execution, o narration. 

Bukod sa criteria na ibinigay sa mga judges, kasama sa isinaalang-alang nila ang mga katangiang hinahanap (at itinataguyod) ng Writing War na isinama na rin sa criteria sa mga naunang hagdan--style, hook, cliffhanger, mastery of the genre, at readability. 

Ang apat na hurado na nagbigay ng puntos ay humiling na wag na silang pangalanan ngunit maaari pa rin namang tukuyin ang kanilang kwalipikasyon.

UNANG HURADO 
Isang mambabasa ng mga lumang nobela at kwentong tagalog. Manunulat sa Precious Hearts Romances. Mahilig sa pusa. 

IKALAWANG HURADO
Isang manunulat sa Precious Hearts Romances. Nagsusulat din sa radyo. 

TheCatWhoDoesntMeow
Isang manunulat sa Precious Hearts Romances at RBTL Publishing. Manunulat din sa radyo at kwentista.

IKAAPAT NA HURADO
Isang mambabasa ng mga international at local novels. Tambay sa wattpad.

IKALIMANG HURADO 
Isang mambabasa ng mga nobela at maikling kwento. Accountant. Manunulat ng maiikling kwento at dagli.

Bukod sa ibinigay na puntos ng mga hurado, ang mga akda ay mayroong dagdag na labinlimang puntos para sa matagumpay nilang pagkakapasa sa lahat ng hagdan ng Writing War Short Novel contest. 

***

STORIES BY RANKING

24. Laura's farewell - 79.2

23. When she met him - 81.8

22. Quene, Quene, Huwag kang magpahuli - 82.2

21. Metamorphosis - 82.6

20. La Maestra - 82.8

19. Safe Zone - 83.2

18. Believe, Margarita - 83.4

Tick of a heartbeat - 83.4

17. No one knows Anne - 83.6

16. Love at its Best - 83.8

15. Fallacy of Death - 84.2

14. Chase me Not - 84.8

***

ANG ANNOUNCEMENT ng unang nobela na magwawagi sa Writing War ay mauurong sa March 22, 2017. Humiling ng extension ang mga hurado dahil hindi pa sila tapos sa pagbibigay ng puntos. 

Mula sa lima, pito ang magiging pinal na hurado ng Top 13 ng WW1 SN. Wala na ring idadagdag na puntos para sa mga akda. 

Gusto ko na ring kunin ang oportunidad na ito para humingi ng pasensiya at pang-unawa sa mga lumahok. Bago lamang ang Writing War. Bagaman at madalas akong hurado sa iba pang paligsahan tulad ng Wattpad Incognito, PNY, at Literary Outbreak, patuloy kong pinag-aaralan at pinaghuhusay ang isang sistemang naiiba at orihinal sa Writing War pero tumutugon pa rin sa pagpapaunlad ng talento ng mga manunulat na magtitiwala rito.

Marami akong pangarap para sa komunidad na ito. Ang pinakarurok ay alam n'yo na--Publishing. Ikalulugod ko kung tutulungan n'yo akong itaguyod ang Writing War sa mga susunod pang panahon. 

Maraming salamat at sulat lang nang sulat! :)


Writing War 01 (Short Novel Writing Contest)Where stories live. Discover now