Frequently Asked Questions (FAQ)

1.1K 54 48
                                    

Mga tanong sa pagsali

Q : Pwede po ba akong sumali kahit na nasa malayong lugar ako?
S : Pwede po. Online lang naman ang contest.

Q : Pwede po ba akong sumali thru online?
S : Pwede po. Dahil online lang ang contest.

Q : Required po ba na um-attend sa free seminar para makasali sa contest?
S : Hindi po requirement ang seminar, lalo na kung nasa malayong lugar kayo.

Q : Ilang entries po ang pwedeng isali?
S : Hanggang dalawang synopsis o teaser ay maaaring ipasa.

Mga tanong sa synopsis

Q : Ilang words po ba ang synopsis?
S : Wala kaming word limit na inilagay para sa synopsis dahil depende sa nagsusulat ang haba ng synopsis. Pero dahil marami ang nalilito, ang synopsis ay hindi dapat lumampas sa 1,500 words.

Mga tanong sa word count

Q : Kasama po ba sa limit na 20K words ang bilang ng teaser o synopsis na ipapasa?
S : Hindi po.

Q : Kasama po ba sa limit na 20K words ang bilang ng title?
S : Hindi po.

Q : Paano po kung hindi ako umabot sa 20K?
S : Ang minimum word count po ay 12,000 words para sa pinakamaikli at 20,000 words para sa pinakamahaba. Ang bawal ay lumampas sa 20,000 words.

Mga tanong sa mga kwentong ipapasa

Q : May genre po ba kayong hinahanap? O theme? O topic?
S : Wala po kaming genre na hinahanap. Walang theme. Walang topic. Ang tanging requirement : Blow us away. Make us interested. Catch our attention.

Q : Hindi po ba kayo magbabawal sa content? Halimbawa po, S/P/G content?
S : Hindi po lalo na kung effective sa inyong kwento.

Q : Pwede ko po bang ipasa ang kwentong natapos ko na o completed na at naka-publish dito sa wattpad?
S : Hindi po. Ang layunin ng Writing War ay iyong sabay-sabay tayong magsusulat ng kwento hanggang sa Wakas.

Q : Pwede ko po bang isali ang kwento kong ongoing na isinusulat dito sa wattpad?
S : Pwede po basta at hanggang Chapter 3 pa lamang ang naka-publish. I-dedicate po ito sa akin (TheCatWhoDoesntMeow) para madali kong makita. PERO, ipasa pa rin po ang synopsis o di naman kaya ay teaser KASAMA ang link ng inyong kwento.

Q : Mayroon po akong one-shot story na naiisip kong gawing maikling nobela. Pwede ko po ba iyong isali?
S : Pwede po. Basta magpasa ng synopsis at teaser sa email address.

Q : Okay lang po ba na English ang title pero taglish ang content?
S : Okay lang po.

Q : Paano ko po hahatiin ang mga chapters ng kwento?
S : Kayo po ang bahala roon, depende sa pangangailangan ng kwento.

Q : Required po ba na may prologue?
S : Hindi po. Ang prologue ay depende sa pangangailangan ng kwento.

Q : Ipo-post din po ba namin sa wattpad ang mga kwentong isasali namin?
S : Opo.

Mga tanong sa judging

Q : Paano po kayo magja-judge?
S : May mga evaluators po na magbibigay ng marka sa inyong mga nobela kapag natapos na.

Q : May number of votes o reads po ba na kailangan para manalo ang kwento?
S : Wala po. Hindi po maaapektuhan ng votes o reads ang judging sa inyong mga kwento.

Basahin pong mabuti ang comment box at ang pahinang ito para hindi maging paulit-ulit ang mga tanong. Salamat. :)

Writing War 01 (Short Novel Writing Contest)Where stories live. Discover now