Chapter 2

118K 1.5K 136
                                    

 

Chapter 2

"Nakakahiya naman sayo Sheila. February 14 po ngayon hindi November 1. Umuwi ka nga! Nakakawala ka ng Kilig Vibes alam mo yon?" inirapan ko na lang si Jackie na nang-aalaska na naman sakin. And so what kung February 14 ngayon? Ano bang meron? Sinong bayani ba may birthday ngayon? Holiday ba ngayon? Kung ginawang holiday ang araw na'to edi sana natuwa pa ko atleast madadagdagan ng oras yung paggawa ko sa plate ko.

"Ano bang masama sa suot ko? Saka sasayaw ba kayong tatlo at magkakamuka kayo ng kulay ng damit?" lahat kasi ng makita ko sa school mga nakapula ako lang ata naiba na nakakulay black na simpleng shirt at maong pants.

"Wala ka na talagang pag-asa Sheila." napailing na lang si Bianca at umalis na.

"Ano bang problema nyo? Haha." tanong ko sa kanila. Nakakatawa kasi mga itsura nila akala mo awang awa na di mo malaman.

"Nakakaawa ka naman Sheila. Sige sayo na lang 'tong isa kong chocolate I'm sure marami pang magbibigay sakin mamaya." napaawang na lang ako sa sinabi ni Jackie.

"Eh baka gusto mong isampal ko sayo yang chocolate mo ha?!" pairap kong sabi at iniwan ko na silang mga nagtatawanan. Baliw talaga mga yon'. 

Habang naglalakad ako papunta sa architecture building ay hindi ko maiwasan na mapatingin sa mga nakakasalubong ko. Mga pares pares na naman ngayong araw na'to lahat na lang magkakahawak ng mga kamay o kaya yung iba mga nakaakbay na naman. Malamang malakas na naman kita ng mga motel ngayon. Tsk. Bakit yun pa iniintindi nila at hindi pag-aaral nila?

Pagpasok ko pa lang sa classroom nakita ko na yung mga kaklase ko na nakatingin sakin. Porke't ba naka-black ako today dapat pagtinginan na ko ng ganito? Naupo na ko sa upuan ko at nakakarindi lang yung mga tilian ng mga kaklase kong mga babae.

"Grabe lang! Nakakakilig yung ginawa sakin ng boyfriend ko!! Akalain mo pagpasok ko pa lang sa gate ng campus nandoon na sya and may hawak na 3 roses. OMG!" naglagay na lang ako ng earphone sa tenga ko at nagsimulang magbasa ng lectures namin kahapon baka biglang magpa quiz si Sir eh. Ano naman kung binigyan sya ng 3 roses ng boyfriend nya? Parang mga ewan lang yung mga yun ah.

The Virgin's First Night 3: Once Upon A BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon